Ang paglilinaw ay kasunod ng mga naglalabasang usapin na hindi nila gustong makasal ang ama ng anak ni Cristine dahil wala itong trabaho.
“Sa umpisa naman may mga ganyan… may mga doubt lalo na kasalan na ‘yan eh, ibang usapan na. Kailangan talagang sure na sure na mahirap ang annulment ngayon.
“Kumbaga, natatakot lang ‘yung mommy ko. Andoon lang ‘yung fear, pero hindi naman sa hindi gusto kasi nagkakasama naman kami. Si Ali may effort naman to be close sa family namin.
“Hindi naman niya sinabi na hindi siya (Mommy Kleng) pabor. Parang may fear lang. Normal lang naman ‘yun sa nanay. Kahit naman sa akin at sa kapatid ko may fear din siya eh,” mahabang paliwanag ni Ara nang makausap namin ito sa presscon ng isa sa handog na show ng Viva Communications para sa TV5, ang Tasya Fantasya na pagbibidahan nina Shy Carlos at Mark Neumann.
Sa usaping hindi stable ang work ni Ali, sinabi ni Ara na, ”Nagwo-work naman si Ali, responsible siya, hindi siya ‘yung tipong bum. May mga kilala talaga akong bum na hindi talaga nagwo-work. Ito nagwo-work, nagba-buy and sell ng car, nagtuturo ng Jiu Jitsu. Ano siya (Ali) businessman talaga siya. Ang family niya may kaya, hindi naman ano….”
Sinabi pa ni Ara na maligaya siya na magpapakasal na ang kanyang kapagid.”Happy naman ako kahit mauuna siya sa akin. Nakaka-sad pero happy ako for her dahil matagal na niyang dream na magkaroon ng sariling pamilya.
“Pana-panahon lang ‘yan. Ang forever niya dumating na, ako working out pa,”giit pa ni Ara.
Inihayag pa ni Ara na okey lang na wala silang partisipasyon sa sinasabing Christian wedding nina Christine at Ali na gagawin pala sa Balesin.
“Okey lang naman. Ayaw kong masyadong magdetalye tungkol sa wedding niya.
“Wala namang problema, alam mo naman si Cristine minsan ganito, minsan ganyan. Nagkakaintindihan naman kami. Hindi isyu kung hindi kami part sa ceremony. Mahal ang Balesin eh.”
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio