Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria Atayde, sobrang grateful sa TV series na Ningning

111015 ria atayde ningning

00 Alam mo na NonieMIXED emotions daw ang nararamdaman ni Ria Atayde sa nalalapit na pagtatapos ng TV series nilang Ningning.

“Ngayong magtatapos na kami, sobrang mixed emotions pa din po like in the beginning. Surreal pa din po sa akin na nakasama po ako sa Ningning. First job, first show, first experience.

“Mixed feelings po, kasi sobrang mas naging close pa kami ng cast and staff. Happy kasi ang ganda po ng experience. Sad, kasi tapos na and mami-miss ko sila. Tapos super grateful po…yun po yung pinaka-dominant na emotion. Grateful sa fans sa pagtanggap nila sa akin, sa amin. Grateful sa production team kasi, naniwala sila sa akin, even more than I did in myself. Grateful sa cast na naniwala at sumuporta po at naging open… everyday was a learning experience. Everyone helped me believe in myself more and see what else I can improve on,” saad sa amin ni Ria.

Anong klaseng experience ang pagkakasali niya sa Ningning?

“Magandang maganda po. Walang bad memories. ‘Pag may sakit ako, naalalagaan po ako. ‘Pag may problema, may magbibigay ng tulong and advice. ‘Pag happy, may karamay. Solid po talaga. I fell in love with the cast and production team. I’m so grateful I was given the chance to be a part of the show.”

Sino ang mami-miss niya sa pagtatapos ng Ningning? “Marami po. Lahat-lahat. Yung samahan, tawanan, kantiyawan at kainan naming na sama-sama as a family. Yung mga random days out namin. Random yayaan pagkatapos ng taping. Iyong mga usapan sa tent. And naku, yung mga jamming session sa tent!!!”

Sinabi rin ng magandang anak ni Ms. Sylvia Sanchez kung ano’ng dapat asahan sa pagtatapos ng kanilang top rating drama series sa ABS CBN.

“Sa last few days po namin, asahan po ng viewers na mabibigyang hustisya ang pagsusubaybay nila. Nakakaiyak, nakakatuwa, puno ng pagmamahal at inspirasyon. Madami din pong lessons na makukuha. Expect din po sana nila na todo-bigay po sa acting-an ang bawat miyembro ng cast. Napakahusay po ng production team namin. Super-ganda ng last week script. Noong binabasa ko pa lang po, grabe po iyak ko. I super tip my hat off to my co-actors who gave justice to their roles. Sana abangan nila ang pagtatapos ng Ningning.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …