Sa tsikahan portion with Mayor Herbert sa treat niya sa mga taga-press na may birthday sa buwan ng January to March, inusia namin siya kung ano ang masasabi niya sa kanilang pelikula.
“Kasi, spoof ito ng mga horror movies. Talagang, una magaling si Direk Andoy (Ranay) na within a short period of time, natapos namin yung pelikula, kasi required. Tapos si Maricel was very supportive of the new cast members, sina Shy, JM, Andrew, talagang tinuturuan niya ng acting, motivation, kung ano yung dapat na reaction, etc.
“Ako naman dahil mahiyain ako e, hindi ako masyadong nag-a-assert, dahil Maricel Soriano ‘yan, you give the time and space to her. Pero siya yung nagsasabi, ‘Hindi eto gawin mo ‘to, eto sabihin mo ito, eto ire-react ko’, which is okay. Very-very supportive siya and I’m very thankful kay ate Cel din, tulad noong interviews during the meeting, sasabihin ko ulit ngayon, she was the one who recommended me to be part of the movie,” pahayag ni Herbert.
Sa unang episode nito na pinamagatang Bala Sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat: Ang Epic Action Movie ay tinatampukan nina Benjie at Candy. Sa ikalawang episode na Shake, Shaker, Shakest; Ang Epic Horror-Comedy ay sina Herbert, Maricel, at Shy Carlos naman ang mga bida. Ang ikatlong episode ay ang Asawa ni Marie: Ang Epic Baliwang Teleserye na pinagbibidahan nina Cristine, Antoinette, at Paolo Ballesteros.
Ayon pa kay Mayor Bistek, hindi pa rin kumukupas ang galing ni Maricel at isa itong total performer.
“Wala pa rin siyang kupas, e, siya pa rin e, Maricel Soriano pa rin talaga, e. Hindi mo puwedeng alisin sa kanya e. Remember na magkasama rin kami sa dalawang TV shows niya, yung Maria Maria, tsaka yung Maricel live! And kumakanta siya, sumasayaw, nagpapaiyak… talagang total performer si Ate Cel.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio