Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Semis target ng AMA

011116 ama oed
KAHIT wala na ang ilang mga dati nitong manlalaro, pakay pa rin ng AMA Online Education na makapasok sa semifinals ng PBA D League Aspirants Cup simula sa Enero 21.

Lumipat na sina James Martinez at Jay-R Taganas sa Jumbo Plastic Linoleum ng Pilipinas Commercial Basketball League kaya napilitan si coach Mark Herrera na kunin ang mga bagong manlalaro bilang mga kapalit.

Ilan sa mga baguhang kinuha ng AMA ay sina Oda Tampus at Julian Sargent ng La Salle, Mark Romero ng St. Benilde, Bobby Balucanag ng San Sebastian, Ivan Hernandez ng Cagayan Valley at Ryan Arambulo ng Wang’s Basketball.

Parehong nag-enroll sina Hernandez at Arambulo sa AMA bilang bahagi ng pagiging school-based team ng Titans sa D League.

Idinagdag ni Herrera sina Gab Daganon at Ric Gallardo mula sa Perpetual Help.

Umabot ang AMA sa quarterfinals ng huling Foundation Cup ngunit natalo sila sa Rising Suns.

( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …