Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco Martin, patuloy sa paghataw ang career!

010816 Coco vice

00 Alam mo na NonieRUMARATSADA nang husto ngayon ang Kapamilya star na si Coco Martin. Ibang level na ngayon ang magaling na actor dahil kung noon ay sa TV lang siya humahataw, ngayon, pati sa pelikula ay patok na patok si Coco.

Ang kanyang TV series na Ang Probinsyano sa ABS CBN ay patuloy na umaarangkada sa ratings at kinagigiliwan ng marami hindi lang ng mga barako, kundi kahit na ng mga bata at mga kabataan. Hitik kasi ito sa aksiyon, drama at pati na sa katatawanan hatid ng mga alalay ni Cardo na sina Xymon Ezekiel Pineda (na mas kilala ngayon bilang Onyok) at Pepe Herrera.

Pero ang mas matindi, number one na sa takilya ang movie nila ni Vice Ganda na pinamagatang Beauty and the Bestie, entry ng dalawa sa Metro Manila Film Festival 2015. Napaulat na higit 400 million na ang kinikita ng naturang pelikula na pinamahalaan ni Direk Wenn V. Deramas at patuloy na pinipilihan pa rin ito sa takilya. Bale, naungusan na nito sa pagiging number 1 ang entry nina Bossing Vic Sotto, Ai-Ai Delas Alas, Maine Mendoza, at Alden Richards na My Bebe Love.

Wala pa kaming idea kung gaano kalaki ang lamang sa kinita ang dalawang pelikula or kung dikit ang laban ng dalawang movie. Ang sure lang kami ay Beauty and the Bestie na ang nangunguna sa MMFF 2015.

Anyway, sa nangyayari ngayon kay Coco, masasabi talagang sa pelikula man o TV ay malakas ang hatak ng award winning actor.

Actually, ang huling movie ni Coco bago ang tandem nila ni Vice ay ang You’re My Boss with Toni Gonzaga. Ang naturang pelikula ay isa ring blockbuster dahil higit 200 milyon ang kinita nito.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …