Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diego Loyzaga, thankful sa suking viewers ng Pangako Sa ‘Yo

010416 Diego Loyzaga

00 Alam mo na NonieMASAYA si Diego Loyzaga sa patuloy na pagtangkilik ng viewers sa kanilang TV series na Pangako Sa ‘Yo. Ayon sa Kapamilya actor, dapat na lalong tumutok ang suking viewers nila dahil bawat episodes daw nito ay lalong tumitindi sa excitement at kilig.

“Dapat bawat episodes ay hindi nila bibitiwan. Kasi, paganda nang paganda lalo ang Pangako sa ‘Yo. I mean, maganda na nga siya, pero mas lalong tumitindi pa ang takbo ng istorya nito every episodes,” saad ni Diego.

Masasabi mo ba na mas nakatulong sa popularity mo ang maging part ng show nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Jodi Sta. Maria, at Ian Veneracion?

“Oo naman po, nakatulong itong Pangako Sa ‘Yo sa akin. Natutuwa ako na binigyan ako ng tiwala ng mga boss ng ABS CBN para maipa-kita ang kaya kong gawin.

“Na, after Forevermore ay napansin ulit ako dito. Kaya happy po talaga ako na sunod-sunod po ang blessings na dumarating sa akin ngayon.”

Nabanggit din ni Diego na bukod sa challenge sa kanya ang pagganap dito, masaya siyang katrabaho ang KathNiel.

“Masaya akong maka-trabaho sila, masayang kasama si Daniel, matagal ko nang tropa si Daniel, e. At saka si Kathryn ay medyo kababata ko e, kasi, we went to the same high school. So, it’s fun seeing them again.”

Nang usisain pa namin si Diego kung sa palagay niya ay may espesyal na relasyon na ba nga-yon sina Kathryn at Daniel, medyo bitin ang kanyang naging kasagutan sa amin.

“Napaka-sweet nilang dalawa sa isa’t isa, on and off camera. So,’ it’s up to you guys kung paano ninyo iyon i-interpret-in,” nakangiting pahayag ng binata nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …