Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Regine Tolentino, balik-acting via Ang Panday ng TV5!

121815 regine tolentino

00 Alam mo na NonieMAGBABALIK sa pag-arte sa harap ng camera ang Zumba Queen at magaling na TV host na si Regine Tolentino via Ang Panday ng TV5. Ayon sa super-seksing si Regine, exci-ted siya sa papel niya rito dahil kakaiba sa mga natoka sa kanyang role.

“I’m part ng TV series na Ang Panday, ako si Morgana rito, isa po ako sa witch na kontrabida sa buhay ni Panday. So, excited ako kasi sobrang powerhouse casts ito and it’s really-really exciting.

“It’s my first comeback, kasi I’ve been so active with the zumba for the past two years, na wala akong puwedeng tanggapin na soaps because yung mga schedules aydire-diretso for the fitness and the dance. Kaya excited ako to be back and fantaserye naman, so it’s really exciting lalo na kasama rito si Richard Gutierrez bilang si Panday,” nakangiting saad ni Ms. Regine.

Idinagdag pa niyang na-miss niya ang acting. “Na-miss ko talaga yung acting and kasama pa yung mga idol ko rito. This is under Direk Mac Alejandre.

“Kaka-story conference lang po namin yesterday and then mag-start na kaming mag-taping. Tapos, kasama rin kami sa parade ng MMFF to promote it sa float. Kaya very exciting talaga ito, kasi ang daming artistang kasama, grabe! And it should be really good, lalo na kasama si Richard dito.”

Nagbigay pa siya ng dagdag na detalye sa gagampanang papel dito.

“As Morgana, isa po akong witch na magta-transform, may evolution ang kanyang character. Kakaiba yung story niya kasi it’s all taking place at the same time, tapos iba-ibang parallel ng universe. So, talagang may pagka-Malificent yung peg, pero nagiging bad witch talaga, pumapangit siya at nagiging evil talaga.

“Yeah I’m a bad girl po dito,” nakatawang pahayag pa niya.

Bilang isang certified workaholic, sinabi rin ni Ms. Regine na sobra siyang happy sa Panday project.

“Perfect Christmas gift sa akin ang project na ganito, because I’ve been…my last one was A Beautiful Affair, medyo matagal na ‘yun. Iyong kina John Lloyd Cruz? At saka ayun, may mga cameo roles ako sa Be Careful With My Heart at sa iba’t ibang TV shows, stuff like that, kaya chill lang.

“Ngayon, medyo hataw na and I’m so glad na sakto. Kasi, iyon yung ano ko kapag New Year, kapag may trabaho ako sa New Year, buong taon ako talagang busy, non-stop.

“So, this year is extra special. because kasabay ng soap ang mga zumba event and ang ibang mga projects ko pa, like sa Unang Hirit.”

Ano’ng masasabi niya kay Richard Gutierrez bilang bagong Panday?

“Super bagay si Richard as Panday and he is so hot and he is so sexy ngayon, and he is so pogi… Kaya I think, this is the perfect role para sa kanya and I think as he ages just like his father (Eddie Gutuerrez), talagang papogi ng papogi.

“At saka itong Panday na ito, isang high tech na Panday kaya dapat itong abangan!”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …