Kabilang sa nakuha nitong nominasyon ang Best Foreign Language Film, Best New Director-Carlo Enciso Catu, Best Screenplay for a Foreign Language Film-Robby Tantingco, Best Editing for a Foreign Language Film-Carlo Francisco Manatad, at Best Actor for a Foreign Language Film para kay Ronwaldo Martin.
Bukod kay Ronwaldo, ang manager niyang si Ferdie Lapuz ang masayang-masaya at proud sa kanilang pelikula at sa bida sa Ari. Inusisa namin si Ferdie kung ano ang reaction ni Ronwaldo nang nalaman ang good news.
“Hayun ang saya. puyat kasi dahil sa shoot, pero tawa nang tawa.”
Si Coco Martin, ano ang reaction? “Masaya si Coco. Sana raw ay suwertehin ang kapatid niya,” saad pa sa amin ni Ferdie.
Prior to this, ang indie film na Ari ay nakakuha ng Best World film award sa Harlem International Film Festival sa New York last Sept. 6. Ipi-nalabas din ito sa 34th Vancouver International Film Festival sa Canada noong Sept. 24 to Oct. 9.
Nanalo rin itong Best Debut Feature Film sa All Lights India International Film Festival last November at ipinalabas din sa Chicago IFF. Sa January next year ay kasali rin ito sa Dhaka International Film Festival.
Ang naturang indie film ay prodyus ng Holy Angel University, Angeles City, Pampanga. Bukod kay Ronwaldo, tampok din dito si Jonalyn Ablong na nagbida sa Manoro ni Direk Brillante Mendoza.
Buko sa Ari, ang iba pang pelikula ni Ronwaldo ay Laut ni Direk Louie Ignacio, Tuos, Pamilya Ordinaryo, at Kabisera with Nora Aunor.
Incidentally, ang pelikulang Ari ay Graded-A ng CEB. Ito’y bahagi ng MMFF New Wave Category na ipalalabas sa December 17 to 24 sa Glorietta, SM Megamall, at Robinson’s Manila. Ang Ari ay magkakaroon ng Gala premiere sa Dec. 17, 2pm, sa Glorietta.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio