Tuesday , December 24 2024

Baldwin: Bigyan n’yo ako ng tsansa sa Ateneo

121015 tab baldwin ateneo
UMAPELA ang bagong head coach ng Ateneo de Manila University sa UAAP na si Thomas “Tab” Baldwin sa Basketball Coaches Association of the Philippines na bigyan siya ng pagkakataong makipag-usap sa kanila tungkol sa pagharang ng grupo sa pagkuha sa kanya ng Blue Eagles.

Sa panayam ng ilang mga taga-media sa ensayo ng Gilas Pilipinas noong Lunes ng gabi, sinabi ng Amerikanong national coach na siya ang inalok ng pamunuan ng Ateneo at hindi siya kusang lumapit sa pamantasan.

“I have sympathy for their (BCAP) rationale but their questions are based on trying to protect local coaches,” wika ni Baldwin. “As a foreign coach, I didn’t seek to come here to the Philippines. I was brought here. One of the important things for MVP (Manny V. Pangilinan) and SBP (Samahang Basketbol ng Pilipinas) was that I make contributions to the basketball community and that I help the local coaches.

“It’s important to me that I don’t try to undermine the local coaches but I try to help them out with the experience that I had, I try to get back to them. The spirit of what I’m trying to say counteracts what I’m talking about. Hopefully, we’ll try to agree on that and there will be no issues.”

Kinuha ng Ateneo si Baldwin upang muling pasiglahin ang programa ng basketball sa pamantasan pagkatapos na pumalpak ang Blue Eagles sa ilalim ni dating coach Bo Perasol.

Iginiit din ni Baldwin na wala siyang nakikitang problema sa kanyang sabay na paghawak sa Gilas at sa Ateneo.

Wala na si Kiefer Ravena sa Ateneo sa susunod na taon kaya mga batang manlalaro ang hahawakan ni Baldwin tulad nina Ponso Gotladera, Arvin Tolentino, Thirdy Ravena at CJ Perez na dating manlalaro ng San Sebastian.

( James Ty III )

About James Ty III

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *