Bukod kina Jacky at Bela, very effective rin sina Eddie Garcia at Pancho Magno sa pelikulang ito na pinamahalaan ng award winning direktor na si Joel Lamangan.
Nakahuntahan namin si Bela sa press preview ng naturang pelikula at pinasalamatan niya ang Japanese actor-producer at si Direk Joel sa maayos na pagtatrabaho at pag-guide sa kanya sa indie movie na ito.
“Talagang na-guide ako ni Direk Joel dito. Nagpapasalamat din ako na naging maayos ang trabaho namin. Kahit kay Jacky, walang language barrier.
“Plus si Jacky, very professional ‘e at wala siyang ere, dahil hindi ba ang dami na rin niyang nagawang movies sa iba’t ibang bansa? Pero wala siyang ere at all, lagi siyang on time, hindi siya nagpapahintay. And ganoon din kasi ako e, parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Kaya okay ang trabaho namin,” saad ni Bela.
Dagdag ng aktres, “It’s a nice take, kasi kapag Japanese era noong panahon ng giyera, lagi kasing ang alam natin ay ‘yung horror stories ng giyera, madugo ang mga eksena, salbahe ang mga Hapon. Pero hindi natin dapat lahatin, dahil dito ay makikita natin ang isang Japanese na na-in love sa Filipina, nagkaroon ng best friend, ganoon.”
Bukod sa Filipinas, ang pelikulang Tomodachi ay ipalalabas din sa Japan.Ito’y tinatampukan din nina Eddie Garcia, Pancho Magno, Hiro Peralta,Jim Pebanco, Tony Mabesa, Lui Manansala, Elora Espano, Sue Prado, at ang Japanese actor na si Shin Nakamura.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio