“Grabe yung growth mo as an actor kapag na-handle ka ni Direk Joel. As in, magagamit mo yung natutunan mo in your everyday life, e. Itinuturo niya sa iyo, like being professional, ang dami niyang insights kasi, e.
“Sabi niya parang, as an actor, kahit anong ibigay sa iyong role, kung talagang pag-aaralan mo… Kasi ako, wala akong idea about sa Japanese time, sa Japanese era.
“So, sobrang dami kong natutunan talaga kay Direk Joel dito. Biggest break ko po talaga ang project na ito,” pahayag ng hunk actor na si Pancho.
Ano yung ine-expect mo sa magiging pagtanggap ng audience sa iyo rito? “Well, hopefully sana ay maganda, sana positive. I really prepared for this movie knowing that it’s gonna be Joel Lamangan directing it. So, it’s really a lifetime experience,” masayang saad pa ng Kapuso actor.
Ano ang masasabi mo kina Jacky at Bela bilang co-actors? “I’ve worked with Bela before, so it’s much easier now to do scenes with her. Jacky is a very nice person and always smiling. They are very supportive actors.”
Ang Tomodachi na ang kahulugan ay kaibigan, ay kuwento ng pagmamahalan nina Toshiro (Jacky) at Rosalinda (Bela). Isang pag-iibigan sa pagitan ng isang sundalong Hapon at Filipina na naganap sa sa panahon ng digmaan.
Ang Tomodachi ay mula sa Global Japan Incorporated at Forward Entertainment. Bukod sa Pilipinas, ang pelikula ay ipalalabas din sa Japan. Ito’y tinatampukan din nina Eddie Garcia, Hiro Peralta, Jim Pebanco, Tony Mabesa, Lui Manansala, Elora Espano, Sue Prado, at ang Japanese actor na si Shin Nakamaru.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio