FOR sure, sa paglabas ng kolum na ito’y may linaw na tungkol sa status niKathryn Bernardo na kabilang sa Iglesia Ni Cristo (INC).
As we go to press, kahit ang mga balita sa ilang tabloid—in at least three days ng aming pagmo-monitor—ay walang tuwirang impormasyon kung itinawalag na ba o kasapi pa rin ang young actress sa INC following her endorsement sa presidential candidacy ni Liberal Party standard bearer na si Mar Roxas.
Sa aming naunang kolum, maging ang INC ring si Gladys Reyes ay clueless sa estado ni Kathryn. In a separate tabloid, ganoon din ang pahayag ng character actor na si Mike Magat, also an INC.
If only for their we-have-no-idea stand ay nauunawaan namin ang mga celebrity na kaanib sa naturang pananampalataya, let the announcement na lang siguro come from their ministers o sa mga pinuno ng INC.
Sa aming lugar sa Pasay City, masuwerte kami sa pagkakaroon ng mga kapitbahay na INC. Dahil alam naman nilang nasa showbiz kami, diretsahan ang aming tanong sa kanila: nasa Kapatiran pa ba si Kathryn?
Sagot nila: itinawalag na raw.
Sa ngayon, umaani ng batikos si Kathryn dahil nilabag niya ang alituntunin ng kanyang relihiyon. Pero bago natin siya husgahan, hindi kaya nauna munang tinalikuran ni Kathryn ang INC, at saka lang nangyari ang kanyang lantarang pagsuporta kay Mar?
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III