Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Christmas Station ID ng Dos, mas nakaaantig ang mensahe

112415 GMA abs cbn xmas
A channel-switching viewer, narito ang aming opinyon sa mga umeereng Christmas station IDs of ABS-CBN at GMA.

Thank You For the Love ang tema ng sa ABS-CBN while GMA’s isMagmahalan Tayo Ngayong Pasko.

Melody-wise, mas appealing sa amin ang sa GMA which begins with repeated ”ohhhh”’s bago ang mga liriko nito kompara sa ABS-CBN’s na nagsisimula sa lyrics na sinundan ng ”ohhh”’s.

Kapwa nagpapakita ng puwersa ang station IDs sa paramihan ng mga network artist—both in news and entertainment—pero   mas lutang ang sa Dos. Bagamat halatang mas kaunti ang mga bituin sa Siete, the station ID puts more emphasis on personalities.

Nagbukas ang eksena sa frame tampok ang Dantes couple sa kabila ng katotohanang sa mismong Kapaskuhan, matamlay na ang karir ng mag-asawa on screen: effective November 8, Mrs. Dantes has gone on maternal leave samantalang ang huling episode ng Starstruck na host si Dingdong airs exactly a week before Christmas.

Lumilitaw na ang bentahe ng Christmas ID na ‘yon ay ang tambalang Alden Richards at Yaya Dub, the rest of the stars ay nagmistulang mga chiwariwariwap squad na lang.

Message-wise, mas nakaaantig ang sa Dos. Sumasalamin kasi ito ng mga kaganapan sa ating kapaligiran sa kasalukuyang direksiyon ng bayan mula sa mga natutuhang aral ng nakaraan.

Not only is it current affair-ish, it also takes a peek into the countryside imagery na kung ikaw ay isang dayuhan, you’ll book the first flight para bisitahin ang Pilipinas and enjoy all of its scenic splendor.

May prologue pa kasi ito that speaks of every Pinoy’s resilience sa gitna ng kalamidad o trahedya, truly an inspiring Yuletide—and all year-round—message, capped by Ms. Charo Santos-Concio’s words of optimism a la her Maalaala Mo Kaya?

Kapansin-pansin nga lang that flashing the love sign has become too universal. In most scenes kasi in both station IDs, nagmistulang Kapuso ang mga artista ng Kapamilya with their joined fingers forming the shape of a heart.

Sa bandang huli, love namin ang melody ng Magmahalan Tayo Ngayong Pasko pero mas nangingibabaw pa rin sa amin ang mensahe ng pagmamahalan na tinatalakay ng Thank You For the Love ng ABS-CBN na kumbaga sa balaraw ay tumatagos sa puso ng mga manonood.

Kung konsolasyon mang matatawag, ang mga batang paslit sa aming lugar sa Pasay City ay mas kinakanta at napaiindak pa sa saliw ng Pamaskong station ID ng GMA.

Pero ‘yun ay dahil sa lakas ng hatak ng AlDub, we couldn’t think of any other reason.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …