Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James at Nadine, muling nagpakilig sa Kapamilya Krismas3

112415 james nadine

00 SHOWBIZ ms mTULAD ng inaasahan, ang tambalang James Reid at Nadine Lustre ang pinakamalakas ang tilian ng fans sa ginanap na Kapamilya Krismas 3 ng Dreamscape Entertainment Television, kahapon sa Trinoma, Mindanao Open Parking.

As early as 12 noon ay pumila na raw ang napakaraming fans para makapasok at mapanood ang kani-kanilang idolo mula sa mga bida ng Doble Kara, FPJ’s Ang Probinsyano, at On The Wings Of Love.

Parang mga pusang ‘di maihe ang karamihan ng fans ng OTWOL dahil sa super sweetness ng JaDine na talaga namang nagpakilig sa libo-libong fans na nagtungo roon. Hindi lang sa OTWOL napanood ang sweetness ng dalawa, nakita rin ito ng live ng publiko habang kumakanta ang dalawa.

112415 kapamilya krismas3 julia

Bago sinimulan ang program proper ay nagkaroon muna ng games para sa fans at nagbigay ng magagandang awitin na theme song sa Doble Kara, FPJ’s Ang Probinsyano, at OTWOL sina Gloc 9, Morisette, Klarisse de Guzman, Ebe Dancel, KZ Tandingan, Erik Santos (na pinakatinilian ng fans sa mga singer), Daryl Ong at iba pa.

At bago lumabas ang pinaka-main artist ng bawat teleserye, nagbigay din ng kasiyahan sina John ‘Sweet’ Lapus, Anjo Damiles, Alora Sasam mula sa Doble Kara. At siyempre naroon din ang mga bida nitong sina Julia Montes, Edgar Allan Guzman, at Sam Milby. Sa FPJ’s Ang Probinsyano naman ay nakita namin sina Onyok, Pepe Herrera, Bela Padilla, Richard Yap, Agot Isidro, Arjo Atayde, Maja Salvador, at Coco Martin.

112415 kapamilya krismas3 coco maja

At kahit dumilim na at tiyak na nagugutom na ang 20,000 fans na nagtungo sa Kapamilya Krismas3, ‘di pa rin nila iniwan na hindi natatapos ang show. Hinintay pa rin nila ang paglabas ng mga bida sa OTWOL na pinangunahan nina James at Nadine. Nakita rin namin sina Albie Casino, Ysabel Ortega at marami pang iba.

Sa Dreamscape, na pinamumunuan ni Mr. Deo Endrinal at sa kanyang staff, ang aming pagbati sa matagumpay na pagpapasaya ng fans na hindi lamang nagbibigay ng magagandang istorya, nawa’y ipagpatuloy pa ninyo ang pagpapasaya sa publiko.

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …