Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cast ng no.1 AlDub KalyeSerye kabilang na rin sa Walk of Fame Philippines

112315 AlDub KalyeSerye Eat Bulaga
Humahataw sa kanilang daily high ratings, ang AlDub KalyeSerye nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub sa Eat Bulaga at iba’t ibang klaseng awards na ang tinanggap ng ALDUB loveteam kasama na ang kaliwa’t kanang mga product endorsement ng Pambansang Bae at ni Yaya Dub.

Sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Walk of Fame Philippines na itinayo ni Master Showman German

Moreno ay mamarkahan na rin sa susunod na buwan ang casts ng nasabing serye na kina-bibilangan rin ng JOWAPAO na sina Wally Bayola bilang Lola Nidora na globally famous na, ganoon na rin ang mga gumaganap na kapatid ni Nidora na sina Tidora (Paolo Ballesteros) at Jose Manalo sa character na Lola Tinidora.

Siyempre parte rin ng malaking kalyeserye ang mga bodyguards ng tatlong magkakapatid na sina

Rogelio Rogelio Rogelio, Bernardo Bernardo Bernardo at Quando Quando Quando na mga popular na rin sa ating mga kababayan.

At hindi pwedeng taasan ng kilay ang paglalagay kina Alden at Yaya Dub dahil in span of a short time ay naging “phenomenon” agad ang kanilang pangtanghaling teleserye na dinadagsa ng mga advertiser.

Kaya pwede na talagang i-level, ang AlDub loveteam sa mga sikat na celebrity na nailagay na ang pangalan sa Walk of Fame Philippines.

Oo naman they both deserve this gyud!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …