“Nakakatuwa po ‘di ba? Nakakatuwa na nakakatulong po tayo and bumabalik din naman po lahat ng naitulong natin, e. Malaking bagay sa mga batang may sakit ang Child Haus ni Mader Ricky,” saad ni Katrina sa sa presscon ng natu-rang pelikula.
Masasabi mo bang parang guardian angel Si Mader Ricky sa mga batang may sakit dito sa Child Haus? “Oo naman po! Hindi ba? Guardian angel at fairy Godmother,” wika pa ni Kat.
Ang Child Haus ay isang advocacy film mula sa BG Productions International ni Ms. Baby Go at pinamahalaan ni Direk Louie Ignacio. Ito ay kasaysayan ng mga batang may cancer na pi-nipilit maging normal ang buhay, sa kabila ng kanilang karamdaman. Bukod kay Katrina, tinatampukan ito nina Therese Malvar, Vince Magbanua, Mona Louise Rey, Felixia Dizon, Erika Yu, Leni Santos, Christopher Roxas, Ina Feleo, at iba pa. Ito ay kalahok sa 14th Dhaka International Film Festival sa children’s section category sa Bangladesh ngayong Nobyembre.
Ano ang role niya sa pelikula? “Ako po rito si Carmen, mommy po ako ng isang may leukemia, si Vincent. Mapapanood po nila rito ‘yung struggle ng family, kung ano ‘yung mga nararamdan ng batang may sakit, ‘yung mga nangyayari sa kanya.”
Masasabi mo bang hindi dapat mawalan ng pag-asa kahit ganya ang sitwasyon, lalo’t nandi-yan ang Child Haus? “Hindi lang dahil sa Child Haus, may pag-asa naman po lahat, ‘di ba? Pero siyempre, ang laking tulong ng Child Haus, sobrang happy ako nang nalaman ko na parang lahat welcome at puwede nilang tulungan.
“Nakakatuwa na parte po ako ng pelikulang ito, alam mo ‘yon? Na magbibigay ng awareness sa mga tao na puwede nating tulungan ang mga batang tulad nila.”
Mayroon ka bang advocacy o tinutulungang charity? “May pinupunta-puntahan po, like tumutulong-tulong, sa White Cross pumunta na rin po ako. Ngayon, isa na rin po itong Child Haus sa pupuntahan ko dahil nalaman ko, after ko gumawa ng movie.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio