Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andi Eigenmann, biggest break ang pelikulang Angela Markado

111615 ANDi Angela Markado

00 Alam mo na NonieBIGGEST BREAK ni Andi Eigenmann ang pelikulang Angela Markado. Isa ito sa klasikong pelikulang pinamahalaan ni Direk Lino Brocka noong 1980 at tinampukan ni Hilda Koronel. Si Direk Carlo J. Caparas ang creator nito at sa remake ng naturang pelikula, siya na ang naging direktor nito.

“Nang malaman ko na gagawin ko ang Angela Markado, parang nalula ako. Lalo na nang sinabi sa akin ni Direk Carlo na magkasama naming gagawing markado ang pelikula para finally maging markado rin ang aking pagiging artista.

“Natutuwa ako sa chance na ito at kung anuman ang kinalabasan ng pelikula, tulong-tulong po kami rito at siyempre pa, ang talagang credit nito ay na kay Direk Carlo J. Caparas,” saad ni Andi.

Ginagampanan dito ni Andi ang papel na biktima ng gang rape na naghiganti sa mga lalaking gumawa sa kanya ng karumal-dumal na krimen. Showing na ito sa December 2.

Halos matunaw naman si Andi sa mga papuring ibinigaysa kanya ng direktor nila rito sa presscon ng pelikula. Sinabi kasi ni Direk Carlo na kakaiba ang galling ni Andi salahat ng aktres nanakatrabaho na niya. Umaarte raw kasi ang mata ni Andi at bagay sa papel niya bilang rape victim sa remake ng naturang pelikula.

Samantala, lalabas naman sa ikalawang pagkakataon sa pelikula ang magiting na PAO Chief na si Atty. Persida Acosta. Unang lumabas siya sa pelikulang Maratabat ni Direk Arlyn dela Cruz. Ayon kay Atty. Acosta, hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang pelikula.

“Hindi naman ako nagdalawang isip sa movie offer na ito, kasi maganda ang pelikula at may katuturan ito. Isa pa, magaling kasi si Direk Carlo J. Caparas,” saad pa ni Atty. Acosta na isa sa mga tagapagtanggol ng mga OFW sa mga insidente ng laglag-bala sa NAIA ngayon.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …