Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chanel Latorre, enjoy sa pelikulang Baka Siguro Yata

060115 Chanel Latorre

00 Alam mo na NonieMAS feel ni Chanel Latorre ang gumawa ngayon ng comedy. Huminto na raw siya sa pagtanggap ng daring roles at no nudity na ang ‘motto’ niya ngayon.

Nang nakahuntahan ko siya recently, sinabi ni Chanel na nag-enjoy siya sa pelikula nilang Baka Siguro Yata na isa sa finalist sa Cinema One Originals 2015.

Ano ang role mo sa movie and anong genre ito?

“Tibo po ang role ko rito sa movie, comedy po ito. Sobrang kuwelang comedy. Si Joel Ferrer po ang direktor namin. Kasama ko rin dito sina Dino Pastrano, Bangs Garcia, Cherie Gil, Ricky Davao, Alex Medina, Jerald Napoles, Ana Luna, at Nicco Manalo,” saad ng aktres.

Dagdag pa ni Chanel, “I wish po na mas madami akong comedies na gawin. mas pipillin ko po mag comedy kaysa drama. iba yung feeling after manuod sa sinehan at nakita mong nakapag pasaya ka ng maraming tao.”

May ka-love scene ka sa movie? “No love scene, hindi na po ako tumatanggap ng may nudity or love scenes ngayon hehe! Pero may love team po ako sa movie, in the form of the very lovely Ana Luna.”

Nilinaw ni Chanel na ayaw daw niyang ma-typecast sa ganoong role at nakatakda na raw siyang lumagay sa tahimik very soon. Kaya tumigil na siya sa pagtanggap ng mga ganitong role.

Sinabi rin ni Chanel na may bago silang business ng kanyang mga kaibigan kaya hindi siya masyadong active sa pagawa ng pelikula.

“Kakabukas lang po kasi namin ng business ng friends ko kaya medyo kaunti na lang ang nagagawa ko ngayon na film. Hands on po kasi kami. ‘Pag nakagaan na po at nakapag-hire na kami ng mga tao, I will be back fully with a bang,” nakatawang saad niya sa amin.

Bakit niya naisipang magnegosyo ng on-line? “Hindi po kasi stable ang pag-aartista kaya kailangan mayroon ka po talagang isa pang pinagkakaabalahan na makakatulong sa iyo. Aside from that, mahilig din po talaga ako sa fashion. Bale ang business po namin ay Emere Online Mall Philippines, we sell clothes, bags, watches…”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …