Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Di para sa akin ang Darna, wala akong sexy body — Sarah

110715 SARAH Geronimo

00 SHOWBIZ ms mNAGULAT ang singer-actress na si Sarah Geronimo nang matanong ito ni Mario Dumaual, ABS-CBN reporter, ukol sa posibilidad na mag-Darna sa presscon ng kanyang From The Top concert na magaganap sa December 4 at 5 sa Araneta Coliseum.

May mga fan daw kasing humihiling na gampanan ni Sarah ang role ni Darna. “Sorry, wala akong sexy body,” giit ng batang aktres. “Ako, personally, parang hindi para sa akin ‘yon.

“Hindi ako magtu-two-piece, never akong magtu-two-piece.

“At saka ano po, kailangan physically strong ka roon, maraming demands ang pagiging ‘Darna’.”

Hindi naman ikinaila ni Sarah na pangarap ding niyang makaganap ng isang heroine, subalit hindi niya nakikita ang sarili na magiging Darna.

“Pinangarap ko rin naman lalo na noong bata ako, si Lara Croft nga ang peg ko, eh!” natatawang sabi ni Sarah. “Siguro, in the future, gusto ko pong mag-action movie pero siguro po hindi Darna. Hindi para sa akin ‘yon,” giit pa ni Sarah.

Samantala, sold-out agad ang ticket ng concert ni Sarah para sa Dec. 4 kaya naman dinagdagan pa ito ng isang araw, Dec. 5 na mag-uumpisang makabili ng ticket para sa date na ito ngayong araw, Nobyembre 7.

Ang From The Top concert ay ang ika-walong major concert ni Sarah. Talagang malayo na ang narating niya bilang singer na unang napansin ang galing nang sumali siya Star for a Night Singing contest noong 2002.

Mula sa pagiging Pop Princess ngayo’y certified pop icon na si Sarah na umani na ng maraming tagumpay hindi lamang sa pagiging singer pati na rin sa pagiging magaling na aktres.

Ang From the Top ay ididirehe ni Paolo Valenciano at si Louie Ocampo naman ang musical director. Ito ay mula sa produksiyon ng Viva Live, Inc..

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …