Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessy, ‘di tatanggi, sakaling i-offer mag-Darna

110515 jessy mendiola

00 SHOWBIZ ms mAMINADO si Jessy Mendiola na natutuwa siya sa magagandang komento ng netizen sa social media ukol sa pagkonsidera sa kanya na gumanap bilang Darna dahil hindi na nga magagampanan ito ni Angel Locsin dahil sa health concern.

Ani Jessy nang makausap namin ito pagkatapos ng presscon ng Banana Sundae (ang reformat show ng Banana Split: Extra Scoop) noong Huwebes ng gabi, “I really get flattered. I don’t know. Kinikilig ako every time they put a comment about that. I have a lot of pictures sa Instagram, not only the bikini ones. Kahit quote nga lang ‘yung ilagay ko, ganoon pa rin ang sinasabi. Nakatutuwa lang na people are really going out of their way just to comment, or just to put something about Darna. Thank you. I’m really flattered.”

Nilinaw naman niya na hindi nangangahulugang siya na nga ang gaganap na Darna dahil lamang sa paglalagay niya ng retratong naka-red two piece sa Instagram. “Wala siyang meaning, wala siyang hint, wala siyang para-paramdam, wala. Not at all. I just thought na alangan namang mag-post ako na naka-turtleneck sa beach? It’s just really funny when people put ideas sa mga posts mo. Para sa akin, I went on a vacation in a beach so I think it’s pretty normal to post a picture of wearing a bikini or any beachwear.”

Pero sakaling i-offer daw talaga sa kanya ang Darna, hindi niya raw iyon tatanggihan. “Sino ba naman ang hindi tatanggap niyon, sobrang pangarap kong mag-action. Pero kung hindi man ako (ang mapiling gumanap), I’m sure ang tamang tao ang napili nila para sa role na iyon.”

Sinabi pa ni Jessy na handa siyang mag-audition sakaling ipatawag siya. “Oo, willing akong mag-audition, bakit hindi. Pero paghahandaan ko talaga iyon. Magte-training muna ako bago ako sumabak sa audition,” nangingiting sagot pa ng dalaga na sunod-sunod ang blessings ngayon.

At tulad ng ibang artista, aminado pa si Jessy na dream role niya rin ang gumanap na Darna. “Dream role naman yata lahat ng babae ‘yun eh. Pero ako, willing talaga akong makipaglaban na naka-two piece at talagangwSuwerte ang taong mapipili (sa gaganap na Darna).”

Anyway, mapapanood na ang Banana Sundae simula Nobyembre 15, at pinamumunuan ito nina direk Bobot Mortiz at Linggit Tan-Marasigan na nagsisilbing executive ng production kasama sina Rocky Ubana bilang executive producer, Willy Cuevas bilang creative manager, at Roderick Victoria bilang head writer.

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …