Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ABS CBN, bumabawi sa Kapuso network! (Taob man sa noontime slot, bugbog-sarado naman sa primetime ang GMA-7)

110615 abs-cbn gma

00 Alam mo na NonieNAUNGUSAN man ng Eat Bulaga! ang It’s Showtime, tila pagdating naman sa primetime ay gumaganti ang mga show ng ABS CBN sa Kapuso Network. Actually, hindi lang basta gumaganti dahil base sa ratings, pinapakain ng alikabok at binubugbog nang husto ng ABS CBN ang GMA-7 pagdating sa ratings sa primetime.

Ang tindi kasi ng mga tampok sa primetime big guns ng Kapamilya Network. After TV Patrol, nandiyan ang Ang Pro-binsyano ni Coco Martin, tapos ay susundan ito ng Pangako Sa ‘Yo na hindi lang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang sinusubaybayan ng fans, kundi pati ang tandem nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion. Of course, kasama sa bigating primetime show ng Dos ang On The Wings Of Love nina James Reid at Nadine Lustre na walang sawang nagpapakilig sa sandamakmak na suking viewers nila gabi-gabi.

Last week pa namin napansin na talagang tumotodo na ang tatlong TV series na ito, kaya mahirap talagang hindi tumutok sa kanila, Mondays to Fridays. Actually, kami ng aking bunso ay laging tumututok sa tatlong programang ito, at sakaling may ma-miss kami, salamat at may I Want TV na puwede naming mahabol ang episodes ng tatlong show na hindi namin napanood.

Anyway, hindi na kami nagtaka nang nakita namin ang Top 10 Program in October 2015-National Homes base sa Kantar Media. Isa lang ang nakalusot dito mula GMA-7, ang Eat Bulaga na kung tutuusin ay hindi pa sa Si-yete talaga dahil ang producer nito ay TAPE Incorporated.

Narito ang datos ng Kantar: 1. Ang Probinsyano-39.4 %, 2. Pangako Sa ‘Yo-33.4 %, 3. TV Patrol-32%, 4. Eat Bulaga-29.4 %, 5. MMK-28.8 %, 6. Wansapanataym-27.1 %, 7. Pasion de Amor-26.4 %, 8. Home Sweetie Home-26.2 %, table sa 9th place ang Goin’ Bulilit-25.2 %, at Rated K-25.2, at 10. Celebrity Playtime-24 %.

Sa ten programs, sa tingin ko’y tanging ang Pasion de Amor lang ang hindi primetime.

Anyway, natutuwa kami na ang TV series ni Coco ang na-ngungunang TV show ngayon sa bansa. Sana ay maging daan ito para magkaroon pa ng ibang action series sa mga TV network. Dapat din saluduhan ang galing ng casts ng Ang Probinsyano sa pangunguna nina Coco, Onyok, Arjo Atayde, at Bela Padilla. Astig si Bela sa breakdown scene niya nang malamang patay na ang asawa niya. Dito’y talagang nagpakita ng husay sa acting si Bela.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …