Sa contract signing ni Garie (tawag sa dalaga) nasabi nitong pinaplano na nila ang malakihang concert ng alagang si Garie.
Samantala, sa contract signing ng dalaga sa Warner Music Philippines ay hinanap ang presence ng kanyang amang si Gabby o ng half sister niyang si KC Concepcion dahil important event nga naman iyon sa sa buhay niya.
”Si Papa po, I know that he’s been in and out of the country. I’m not sure if he’s back, matagal-tagal na rin po kaming hindi nagkikita ni Papa, and my ate (KC) naman po, she’s receiving an award in New York, I’m not sure lang po kung anong award ‘yun but she flew out last weekend,” ani Garie na naroon naman ang ina at mga kapatid sa ina para suportahan siya.
Si Garie, 26, is making a name for herself sa showbiz as a singer even noon pa man. Dati na kasi siyang nasa Star Records at nakagawa na ng isang album. Pero bigla siyang dahil nag-aral siya sa New York Film Academy sa US. Two years din siyang nawala at ngayong tapos na siya handang-handa na siya sa pagbabalik-showbiz.
Natanong si Garie kung pangarap ba niyang makasama si Sharon Cuneta sa isang concert.
“Okay lang naman po sa akin iyon. Whatever it is that happened in the past sa parents eh tapos na po ‘yun, matatanda na po kami, puwede na nga kaming ikasal ng ate ko, eh. Puwede na rin kaming magka-anak.
“Past is past. If it’s okay with her (Sharon), then it’s fine with me and I tnink, my Mom is okay with it, too. I think she’s past that,” paliwanag ni Garie.
Nang tanungin naman kung gusto rin ba niyang makasama si KC sa isang movie,”oo naman, magandang opportunity rin yun para makapag-bonding kami.
“Kung papayag naman si ate, why not? Bonding moment na rin namin ‘yun if ever kasi busy si ate ngayon so hindi kami masyadong nagkikita,” giit pa niya.
Kapansin-pansin ang pagkakahawig ng boses o pagsasalita nina Garie at KC kaya kung hindi mo siya makikita, mapagkakamalan mong siya si KC.
Released na ang first self-titled EP album ni Garie sa Warner Music na naglalaman ng limang tracks tulad ng Love Me Again, Mula Ngayon, at Shadow Me Down na siya mismo ang nagsulat kasama ang kanyang kaibigan mula Amerika.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio