Friday , December 27 2024

Dindi, nagbabalik bilang Imelda Marcos

102915 dindi gallardo lance raymundo

00 SHOWBIZ ms mNAGBABALIK ang dating beauty queen na si Dindi Gallardo matapos ang 15 taong pamamahinga sa showbiz sa pamamagitan ng Dahlin Nick,isang docu drama ukol sa buhay at gawa ng National Artist for Literature na si Nick Joaquin.

Ang Dahlin Nick, ay isa sa official entry sa Cinema One Originals Film Festival na mapapanood sa mga sinehan ng Trinoma, Glorietta, SM Megamall, at Resorts World simula November 9 to 17.

“This is the first film that I’m doing in 15 years. It was great. It’s a cameo but a memorable one. I enjoyed it,” ani Dindi na gaganap bilang Imelda Marcos.

Ani Dindi, kinailangan niyang mag-research para magampanan ng ayos ang papel na Imelda Marcos. ”I had to have that. Not really copy her but just my interpretation of her.”

Ang Dahlin Nick ay kasama sa Originals 2015 Films category ng Cinema One kasama pa ang walong pelikula na tulad ng Baka, Siguro, Yata niJoel Ferrer na isang romantic comedy; Bukod Kang Pinagpala niSheron Dayoc, horror; Dayang Asu ni Bor Ocampo, action, drama;Hamog ni Ralston Jover, drama; Manang Biring ni Carl Joseph Papa, drama-comedy; Mga Rebeldeng May Kaso ni Raymond Red, youth drama; Miss Bulalacao ni Ara Chawdhury, small-town drama; at The Comeback  ni Ivan Andrew Payawal, drama comedy.

Bale ito ang ika-11 taon ng Cinema One na ang tema ay Kakaiba Ka Ba? na nagnanais ipagpatuloy ang diversity at uniqueness sa Philippine Cinema, na makatutulong pareho sa filmmakers at film-goers.

Bukod sa siyam na Originals 2015, mayroon ding Special Presentation Films, ito ay ang Honor Thy Father ni Erik Matti at  Salvage ni Shrad Anthony Sanchez.

Walong pelikula naman ang nakapasok sa Short films, ito ay ang Junilyn Hans ni Carlo Manatad;  Sanctissima ni Kenneth Lim Dagatan, Dindo ni Martika Escobar; Pusong Bato ni Pam Miras, Reyna Christina ni Pia Dimagiba; Memorya ni  Jovanni Tinapay; Mabuhay ang Pilipinas ni Bor Ocampo; Anino ni Raymond Red; A Love Story mula New Zeland niSteven Baker; at The Tenant mula UK ni Mohsen Mahkmalbaf.

Kasama rin dito ang apat na Filipino Classics na ini-restore, ito ay angIkaw Ay Akin ni Ishmael Bernal; Karnal ni Marilou Diaz-Abaya; Insiang ni Lino Brocka; at Sana Maulit Muli ni Olivia Lamasan.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *