Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim at Xian, hanggang loveteam na nga lang ba?

022715 kim chiu xian lim

00 SHOWBIZ ms mSA tuwing natatanong sina Kim Chiu at Xian Lim, hindi nababago ang sagot nila ukol sa estado ng kanilang relasyon. Laging “masaya kami together.”

Pero muli naming tinanong si Kim sa launching at pirmahan ng MOA kahapon sa produktong ineendoso ng dalaga, ang Fat Out Supplement mula sa ATC Healthcare.

Ani Kim, “Kami ni Xian, masaya naman kami. Happy kami. And, sobra kaming thankful sa lahat ng mga blessing na dumarating sa amin.”

Kung hanggang loveteam lang ba sila ni Xian, ito laman ang nasabi ni Kim, “Tingnan natin. Pero masaya kami, komportable kami sa isa’t isa and he brings out the best in me.”

Sinabi pa ni Kim na hindi kailangang lagyan ng label ang relasyon nila. “As long as dalawang tao masaya and komportable sila and mutual ‘yung pagkakaintindihan nila, so okay na.”

Samantala, sobrang inirerekomenda ni Kim ang Fat Out Supplement dahil maganda raw ang nagagawa nito sa ating tiyan lalo na iyong may mga problema sa digestive tulad ng constipation, diarrhea o flatulence na madaling nareremedyuhan sa pamamagitan ng Fat Out.

Maganda rin daw panglinis ng colon ang naturang supplement para matanggal ang mga toxin at body wastes sa ating katawan. Ang Fat Out daw kasi ay may revolutionary Sweep at Shred Formula na nakatutulong sa paglilinis ng colon at pagtanggal ng fat. Ang Psyllium Husk naman ang nag-aalis at naglilinis ng toxins sa colon, samantalang ang Green Tea Extract naman ang nagsi-shreds at nagbi-burn ngfat.

Sa halagang P125, tiyak na ang healthy at malinis na colon. Kaya mag-take na ng FatOut.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …