Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mojack at Blanktape, ginawan ng single ang Pabebe Wave

102315 Mojack blanktape

00 Alam mo na NonieKAABANG-ABANG ang ilalabas na album ng rapper na si Blanktape na pinamagatang Aldub Nation Album (Sa Tamang-Tamang Panahon). Definitely ay naging inspirasyon dito ang kasikatan nina Alden Richards at Maine Mendoza (YayaDub) na kilala rin bilang AlDub sa sikat na sikat na noontime show na Eat Bulaga.

Makakasama ni Blanktape sa carrier single nito na pinamagatang Pabebe Wave ang versatile na singer/comedian na si Mojack Perez.

Ayon kay Mojack, naging inspirado sila ni Blanktape sa collaboration single na ito dahil sa ALDub, pati na sa napakara-ming fans ng sikat na love team.

“Kaya po kami gumawa ng album na Pabebe Wave, na-inspire kami sa sobrang sweet at kilig ng AlDub. Sobrang ang sarap nilang panoorin at mara-ming tao ang talagang gustong-gusto sila.

“Matagal na naming gustong magsama sa isang kanta ni Blanktape para mapasaya ang mga tao at ma-inspire rin namin iba pang singers, kaya happy ako na nangyari na ito at nakasama ko sa isang song ang isang magaling na compositor/singer/rapper na si Blanktape.

“Pero, dapat din nilang abangan ang solo album ko, na magiging debut album ko actually,” saad ni Mojack.

Paano mo ide-describe itong carrier single ninyo? ”Itong aming single na Pabebe Wave, maganda siya, it’s a rap song and talagang napapanahon dahil sa AlDub na maraming pinasasaya lagi at pinakikilig.”

Sa ngayon, bukod sa paghahanda ni Mojack sa kanyang debut album, abala rin siya sa paggawa ng mga jingle para sa mga kakandidato sa 2016 election.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …