MULING pinatunayan ni Coco Martin na siya pa rin ang Teleserye King at nag-iisang King of Primetime. Ito ay base sa napakataas na rating ng kanyang “Ang Probinsyano,” na unang linggo pa lang sa ere ay itinanghal nang number one over all show in Philippine TV! Uma-average sa 40-41% nationwide rating ang “Ang Probinsyano.”
Naabot nito ang peak na 42.6% rating kamakailan. Bukod sa mataas na rating, gabi-gabi rin na nagta-top trending ang Ang Probinsyano sa Twitter. Base sa mga comment tungkol sa Ang Probinsyano, maganda at de kalibre ang produksyon nito.
“Lahat ng aspeto ng AP, mahusay! From the actor’s performance, to music, editing and cinematography! Kompleto, wala ka nang hahanapin pa!” says one viewer.
Matagumpay ding naibalik ng AP ang male crowd sa primetime bida! “Nagulat ako kasi ‘yung tatay ko na walang kahilig-hilig sa teleserye, ayun, hooked na hooked! Enjoy na enjoy siya!” sabi ng isang viewer.
Sa kabila ng malaking tagumpay ng kanyang teleserye, Coco remains humble. When asked about the success of his teleserye, “Sobra pong salamat. Hindi namin ini-expect ‘yung ganitong reception ng tao, pero sobra naming naa-appreciate. Masaya kami na nag-i-enjoy sila,” sabi ng ever humble na si Coco.
Ang Ang Probinsyano ay TV adaption ng FPJ classic. Nabuo ito sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN, FPJ productions at Dreamscape. Mula sa direksyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco.
Samantala, napahanga at kinabiliban ng mag-inang Susan Roces at Sen. Grace Poe, ang mahusay na pagganap ni Coco Martin bilang pulis sa TV adaptation ng “Ang Probinsiya” na blockbuster film ni Da king Fernando Poe, Jr., noong 1997.
Sey ng Queen of Philippine Movies (Susan), si Coco aniya ay kapuri-puri hindi lang sa pagiging magaling na actor kundi sa pagiging mapagkumbaba kahit na itinuturing na siyang Hari ng Teleserye ng bansa. Dagdag ng widow ni FPJ, mayroon raw pagkakahawig si Coco at si FPJ sa pag-uugali, lalo na sa pagtatrabaho. Bunga na rin ng closeness nilang dalawa na madalas silang magkasama sa set at magka-eksena. Sa mga kabataang artista tanging si Coco lang ang pinayagan ni Manang Swanie na tumawag sa kanyang “lola.”
Si Ms. Susan ang mismong gumaganap na lola ni Coco sa papel ng actor na Ador/Cardo sa FPJ’s Ang Probinsyano. Maging ang anak ni FPJ na si Sen. Grace ay manghang-mangha sa galing sa pag-arte ng batang Kapamilya aktor.
“Magaling talaga si Coco roon. Bagay siya talaga sa action film at maganda talaga ang istorya,” pahayag pa ng butihing Senadora.
Aniya, hindi niya kinakaligtaang panoorin ang teleserye ng ABS-CBN kung hindi busy ang kaniyang schedule lalo’t ang nasabing pelikula ng ama ang naging inspirasyon niya sa kanyang adbokasiya sa Senado na pabanguhin ang imahe ng pulis sa publiko.
Tuwang-tuwa ang lady politician na tumatakbong presidente sa 2016 national election sa muling pagbuhay ng ABS-CBN sa “Ang Probinsyano” sa telebisyon dahil na rin sa positibo nitong epekto sa pagtingin ng mga tao sa mga alagad ng batas sa gitna ng pagkakasangkot ng ilang kawani sa mga eskandalo at krimen.
Marami nga raw natutuwang mga pulis dahil ipinapakita ng teleserye ang mga sakripisyo ng mga alagad ng batas sa pagsisiguro ng kaligtasan ng publiko.
Coco Martin nag-iisa ka lang gyud!
Paolo Ballesteros world class ang talent
DESERVING MAGING GRAND WINNER NG #BULAGAPAMORE #DABARKADSPA MORE
Kinabog pa ni Dabarkads Paolo Ballesteros o pumapapel na Tidora sa AlDub Kalyeserye ang mga totoong girls, at itinanghal na Super Sireyna ng Eat Bulaga nang gawin ng TV host comedian ang buwis-buhay number nito sa final showdown o grand finals ng #BulagaPaMore#DabarkadsPaMore sa Broadway Studio noong Sabado.
Lahat ng nasa studio, kabilang na ang mga celebrity judges na si Jennlyn Mercado at mga beteranong news anchor na sina Mike Enriquez at Jessica Soho ay pare-parehong napatulala sa pasabog na ginawa ni Paolo kung saan naglambitin at nagpaikot-ikot siya sa ere at sa finale ay itinali pa niya ang kanyang ulo at paulit-ulit uling na nagpasirko-sirko sa taas.
Kalokah, world class ang talent ng Dabarkads nating ito at na-level siya sa mga kilalang gymnast o acrobats sa buong mundo. Oo naman, sa hirap ng ginawang performance ni Paolo ay agree ang lahat na siya talaga ang may karapatang manalo at siya nga ang itinanghal na kauna-unahang Grand Winner ng Bulaga Pa More, na tumanggap ito ng P100,000 cash at additional na kalahating milyong piso na ido-donate nila ng Eat Bulaga para sa mapipiling eskuwelahan ni Paolo na patatayuan nila ng bago at magandang classroom.
Samantala pawang mahuhusay rin ang mga tinalo ni Tidora na sina Ruby Rodriguez na hanep ang pagda-dubsmash; Ryzza Mae Dizon sa kanyang Doble Kara prod number na kopyang-kopya ni Aleng Maliit si Apl.de.Ap; HBD Girl Patricia na fabulous rin ang dance number na naglambitin rin sa himpapawid at Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub na muling nagpakita ng husay sa pagda-dubsmash at galing sa pagda-drum kung saan pina-ikot-ikot pa ang stick sa kanyang mga daliri. Talagang pinaghandaan ng lahat ang nasabing grand finals na itinuturing na malaking event ng Eat Bulaga sa 36 years nilang pamamayagpag sa lokal na aliwan.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma