Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Allen Dizon, wagi na namang Best Actor para sa Magkakabaung

101615 Allen dizon

00 Alam mo na NonieAYAW talagang paawat ni Allen Dizon sa paghakot ng Best Actor award para sa kanyang makatotohanang pagganap bilang coffin maker sa pelikulang Magkakabaung. Sumungkit na naman kasi si Allen ng Best Actor award sa Ist URDUJA Heritage Award para pa rin sa naturang pelikula.

Nakatabla rito ni Allen sina Sid Lucero (Norte: Hangganan ng Kasaysayan) at Spanky Manikan (Alienasyon) para sa Best Actor award.

Ito na ang 9th Best Actor recognition ni Allen para sa pelikulang pinamahalalan ni Direk Jason Paul Laxamana. Sa kabuuan naman, 17th acting trophies na ito ng morenong aktor.

Last month ay nanalo rin si Allen sa 63rd FAMAS award para sa pelikulang ito at noong nakaraang June ng taong ito naman ay nakamit ni Allen ang una niyang Best Actor sa URIAN, para pa rin sa Magkakabaung.

Dalawang bagong pelikula ang dapat abangan sa talent na ito ni Dennis Evangelista, ang Iadya Mo Kami at Sekyu na parehong mula sa BG Productions International ni Ms. Baby Go.

Ang Iadya Mo Kami ay reunion movie nina Allen, Direk Mel Chionglo at ng batikang manunulat na si Ricky Lee. Bukod kay Allen, kasama rin dito sina Ricky Davao, Eddie Garcia, Aiko Melendez, at Diana Zubiri.

Sa Sekyu naman ay kabituin niya sina Sunshine Dizon, Melai Cantiveros, Kiko Matos, at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala ng isa pang batikang direktor na si Joel Lamangan.

Bago matapos ang taon ay posibleng manalo na naman ng acting trophy si Allen sa iba ang award giving bodies. Goodluck sa iyo Allen!

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …