Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja Salvador, deadma na lang sa mga basher!

052015 Maja Salvador

00 Alam mo na NonieSASABAK sa mas malaking hamon si Maja Salvador sa kanyang ikalawang concert na pinamagatang Majasty. Gaganapin ito sa SM Mall of Asia Arena sa November 13. Nauna rito, noong July 12, 2014 ay ginanap ang unang concert ni Maja sa Music Museum, Greenhills, San Juan na pinamagatang MAJ: The Legal Performer.

Pero ngayon pa lang, sinabi ng Kapamilya star na hindi na raw niya pinapansin ang mga basher sa social media.

“Ay dedma ako d’yan. Super dedma ako. Talagang kunwari may mga negative silang sasa-bihin sa akin or kung ano man, expected mo na ‘yan, e. Kasi hindi nga lahat magugustuhan ka.

“Ano lang ‘yun, baligtarin mo lang. Gawin mo lang positive ‘yun. Kasi hindi ba kung ano ang ina-allow mo na mangyari sa ‘yo at iisipin mo, ‘yun ang mangyayari. So, doon ka lang mag-focus sa mga positive na sinasabi. Iyong negative wala, talo ka kapag inano (pinansin) mo ‘yun,” saad ni Maja sa isang panayam.

Bilang payo naman sa mga kapwa niya celebrity na madalas maputakti ng bashers, ito ang sinabi ni Maja.

“Kung pwedeng mas habaan na lang siguro ang pasensya. Pero ‘yun nga at the end of the day human lang kami, kung may nasasagot man ay mayroon pong pinanggalingan.”

Tama naman si Maja sa puntong ito, lalo’t may mga basher na sadyang nagpapansin lang at KSP lang talaga ang peg nila sa buhay!

Ayon pa kay Maya, excited raw siyang ipakita ang kabuuan ng concert niya.

“Siguro siyempre sayaw, expect ninyo na na sasayaw ako. Kapag kanta siyempre, no choice kayo kundi pakinggan ninyo rin ako kumanta kahit papaano. Siguro ‘yung mga kakaibang production numbers at set.

“Parang gusto ko naman i-share na ‘yung ako na dati parang nangangarap lang and now sino ang mag-aakala na MOA Arena.

“Basta gusto ko lang lahat ng manood doon, i-enjoy ‘yung night na ‘yun. And ‘yung parang kapag pumunta sila roon, isa sila sa dahilan kung bakit natupad ang pangarap ko,” saad pa ng aktres na napapanood sa TV series na Ang Probinsiyano ng ABS CBN.

 

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …