Tolentino biktima ng pambu-bully
Hataw
October 12, 2015
News
DINIPENSAHAN ng grupong good governance advocates si resigned Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino sa iba’t ibang kontrobersiya sa pagsasabing nabiktima ng bully upang pagtakpan ang kasalanan ng ilang senatorial bets.
Nanindigan si Alberto Vicente, tagapagsalita ng Alliance for Good Governance na ilang miyembro na rin mismo ng Liberal Party ang nasa likod ng “demolition job” laban sa mga kakampi na nagpahayag ng interes na kumandidato sa pagka-senador.
“He was hapless and helpless. He was bullied. Tolentino was an underdog. The big boys were ganging up on him,” saad ni Vicente.
“Tolentino is more qualified compared to other aspirants for the Senate slate of LP. Ayaw ng LP ng matalino at baka malaman ni Tolentino ang mga kalokohan nila. What they did to him could happen to others, too,” dagdag nito.
Binigyang-diin ni Vicente na mula rin mismo sa LP ang nasa likod ng mga smear campaign laban sa mga hindi nais na makapasok sa senatorial slate ng partido.
Sa lahat aniya ng mga posibleng kandidato, si Tolentino ang naging pinakamadaling target na mailaglag sa senatorial line up.
“Look at Joel Villanueva, he’s facing a pork barrel case and he himself admitted that a group of LP stalwarts, identified with Roxas, wants him out of the Cabinet and from the ruling party’s Senate slate,” pahayag ni Vicente.
Kombinsido ang grupo na isang LP official ang nasa likod ng pag-leak ng mga larawan na kuha sa birthday party ng isang kongresista sa Laguna noong isang linggo.
Una naman nang humingi ng paumanhin si Tolentino sa naganap na eskandalo kaugnay sa performance ng “Play Girls” kasabay ng pahayag na alisin na siya sa LP list.
Humingi ng paumanhin si Tolentino sa womens group, Liberal Party, sa pamilya ni Laguna Representative Benjie Agarao at maging sa sariling ina.
“Again I am saying that I did not control the said incident because in my belief and others may also share it, that it is also regularly in the daily television shows and viewed by millions of viewers,” pahayag ni Tolentino.
Sa termino ni Tolentino sa MMDA, inilunsad ang Pasig River Ferry at sinimulang gamitin ang social media para sa real-time updates sa traffic situation.
DG