Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kevin Ferrer Player of the Week (UAAP Season 78)

100615 kevin ferrer ust uaap
PATULOY ang gumagandang laro ng pambato ng University of Santo Tomas na si Kevin Ferrer ngayong UAAP Season 78.

Noong Miyerkoles ay nagpasiklab si Ferrer nang dalhin niya ang Growling Tigers sa 77-61 na panalo kontra De La Salle University sa Mall of Asia Arena.

Nagtala si Ferrer ng 27 puntos para pangunahan ang rally ng UST mula sa 16 puntos na kalamangan ng Green Archers sa ikalawang quarter at makuha ang ika-limang panalo kontra sa isang talo katabla ang Far Eastern University sa liderato.

Dahil dito ay napili ng UAAP Press Corps si Ferrer bilang Player of the Week.

“Sobrang saya ko kasi nagse-step up na yung mga kapatid ko,” wika ni Ferrer. “Unang una pa lang, sabi ko sa kanila na kailangang lahat tayo mag-step up, lalo na sa defense kasi yun talaga ang magpapanalo sa amin. Nangyari na nga yung situation kaya masayang masaya kami.”

Umaasa si UST coach Bong de la Cruz na magpapatuloy ang magandang laro ni Ferrer sa susunod na laro ng Tigers bukas kontra University of the East sa pagtatapos ng first round ng eliminations ng UAAP sa Smart Araneta Coliseum.

“Hindi lang kami team, kundi pamilya pa,” ani De la Cruz. Yun ang ginagawa namin at pinapairal ngayon. And with Kevin, maganda yung pinapakita nyang example sa mga teammates niya.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …