Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ana Capri, nasa bucket list ang makatrabaho si Nora Aunor

00 Alam mo na NonieISA sa nasa bucket list ng magaling na aktres na si Ana Capri ang natanggal nang nakasama niya ang award winning actress na si Nora Aunor sa pelikula.

Kahit guest lang sina Ana at Ms. Nora sa pelikulang Pare Mahal Mo Raw Ako na tinatampukan nina Michael Pangilinan at Edgar Allan Guzman, at mula sa pamamahala ni Direk Joven Tan, ibang klaseng experience raw ito sa kanya. Isa ang superstar sa hinahangaan ng sobra ni Ana, kaya naman labis-labis ang kanyang kagalakan nang makatrabaho ang premyadong aktres.

“Kabilang talaga siya sa mga nasa bucket list ko na gusto kong makasama sa pelikula o kahit sa TV show. Natuwa ako noong narinig ko na may project kami, nang sinabi na girlfriend ako ni Ms. Guy dito, talagang nagulat ako at natuwa. First time ko siyang nakatrabaho at talagang dream come true ito,” wika ni Ana.

Ayon kay Ana, ibang klaseng experience raw ito sa kanya. “Very humble siya, very cooperative. Ako kasi, observant nga ako na hangga’t maaari titignan ko how she prepares for her scene. So yun parang, ‘Ah ganoon ‘yung ginagawa niya.’ It’s nice to learn from the professionals at may nakuha akong technique sa kanya,” saad ni Ana.

Paano mo siya ide-describe bilang artista? “Paano ba? Kasi, inaaral niya rin naman talaga mga ginagawa niya, mga lines. Tapos open siya for suggestions at doon ako natutuwa. Kasi, parang ine-expect ko na parang ano… Pero okay naman sa kanya ‘pag nagsa-suggest yung director sa kanya. Tapos ay Tsine-check niya kung okay lang ba yung atake, o puwedeng gawin ulit.”

Nang naka-usap daw niya si Ms. Nora habang nagsu-shooting ay lalong napabilib si Ana sa award winning actress. “Isang beses itinanong ko sa kanya, ‘Para sa estado mo, mayroon ka pa bang dream role na gusto mong gawin?’ Tapos sabi niya, ‘Well parang every role, every movie na nabibigay sa akin, every role na ginagampanan ko, is a dream role.’

“Kaya sa loob-loob ko, ‘Ay panalo sa answer.’ Ganoon talaga siya, iba ang trato niya sa trabahong ito, e.”

Sa ngayon, napapanood si Ana sa All Of Me sa ABS CBN bilang nanay ni Yen Santos. Tampok din dito sina JM de Guzman, Albert Martinez, Arron Villaflor, at iba pa. Sa pelikula naman, isa si Ana sa casts ng Louie Ignacio movie na Laut na mula sa BG Productions International ni Ms. Baby Go at pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Ronwaldo Martin (kapatid ni Coco Martin), Gina Pareno, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …