“Opo, kinonceptualize talaga yon para sa kanilang dalawa. Ito bale yung first teleserye nila sa ABS CBN,” nakangiting ssad ni Direk Jojo.
Sinabi rin niyang pati siya ay kinilig sa dalawang youngstars. “Kahit ako kinikilig ‘pag dinidirek sila eh. Kasi sila, ‘pag may mga sweet moments na eksena, parang automatic sa kanila, parang may push button, ‘Oh eto gagawin natin ha titigan tayo.’ Ganoon sila e.”
Ano sa palagay niya ang sikreto kung bakit ang lakas-lakas ng dating sa fans ng OTWOL?
“Aside po siguro sa pagpapakilig nina James at Nadine sa fans, masasabi ko po siguro na dahil doon din talaga sa kuwento nito. Kasi, tumatak po sa tao yung kwento ng OFW. Yung nagpapakahirap sa ibang bansa para makapagbigay ng ginhawa sa pamilya. Sinasakripisyo ang lahat para lang makapagpadala ng kung ano man sa pamilya. Siguro yun po ang tumatak sa manonood.
“Kaya nakita nyo na may issue tungkol sa balikbayan box at nabanggit nga ni Cherry Pie iyong tungkol sa OFW, na may pusong OFW si Nadine.”
Inamin din niyang hindi nila inaasahan na magiging ganito kalakas ang pagtanggp ng fans sa kanilang TV series. “Hindi po. Hindi talaga. Nagulat po kami na ganoon kalakas yung reception ng audience. Alam po naming may fan base sila JaDine, pero iba rin po yung… di lang po kasi yung kabataan yung nag-patronize eh, pati yung mga mature audience, yung mga teacher na na-appreciate po yung show.”
Bukod sa OTWOL, kabilang sa mga TV series na pinamahalan ni Direk Jojo ang May Bukas Pa, Hundred Days To Heaven, Mutya, Bagito, at iba pa.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio