SOBRANG thankful ni Bela Padilla sa sunod-sunod na projects niya ngayon. Sa pelikula, katatapos lang niya ang Felix Manalo na pinagbibidahan ni Dennis Trillo. Ginagawa na rin niya sa kasalukuyan ang Tomodachi na tinatampukan naman nina Jacky Woo at Eddie Garcia.
Sa telebisyon naman, nagsimula nang mapapanood ang Ang Probinsiyano sa ABS CBN na tinatampukan ni Coco Martin. Nabanggit ni Bela kung anong klaseng katrabaho si Coco.
“Masarap siyang katrabaho, siguro dahil alam naman nating lahat na mahusay siya, ang sarap niyang panoorin. Minsan sa eksena ang nagyayari, napapanood ko na lang siya. So ikaw bilang artista, macha-challenge ka rin. Kaya kailangan lagi kang ready. You should be always alert and aware sa karakter mo, sa eksena mo, para hindi ka napag-iiwanan.
“Oo, napapatulala ako sa galing ni Coco and nakakatuwa, kasi yung galing niya ay hindi niya sinasarili. Tutulungan ka niya para ma-achieve mo rin, tutulungan ka niya para gumaling ka rin. Para siguro, makasabay o makapantay ka.
“So, naa-appreciate ko iyon. Sobrang thankful ako na sa unang project ko sa ABS CBN, siya yung nakatrabaho ko. Kasi, magaling siyang mag-alaga sa co-actors.”
May pressure ba na katrabaho ang isang Coco Martin?
Tugon ni Bela, “Siyempre po mayroong certain level of pressure, hindi galing sa kanila, pero more of galing sa sarili ko. Na, I really wannna do well. Kasi, yun nga, unang-una pinagkatiwalaan ka ng magandang proyekto. May mga tao na naglagay sa akin dito, may mga tao na naniwala sa akin. So, ayaw ko silang mabigo.
“So yung pressure is more of from myself, na I wanna do well, not from them.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
