Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gov. Vilma Santos, kinoronahan bilang The Queen of Batangas ng Muslim Community

092915 vilma

00 SHOWBIZ ms mTUWANG-TUWA at excited si Gov. Vilma Santos sa pagtanggap ng natatanging parangal na ibinigay ng Muslim Community sa kanya kamakailan. Ito ay ang pagkakatanghal sa kanya bilang Queen of the Province, Holder of Authority (Baealabi A Gausa Sa Batangas) noong Sabado, Setyembre 26, sa Lima Park Hotel sa Malvar/Lipa City Batangas.

Mismong ang Royal Highness Sultan Paramount Faizal Coyogan Benaning Bansao ng Royal Houses ng Sultanate of Batangas ang nagkorona at nag-confer ng titulo kay Gov. Santos sa isang Royal Enthronment Ceremony.

Mahigit 3,000 Muslim brothers at leaders ang sumaksi sa seremonyas na  hindi lang galing sa Batangas kundi sa ibang bansa rin gaya ng Brunei at Malaysia. Proud at dama ang excitement sa gobernadora na dumalo sa event habang suot ang isang Muslim costume.

“Malaking karangalan para sa akin dahil kasama ko ang mga kapatid natin na Muslim para matupad ang maayos na programa sa Batangas mula pa ng Mayor ako. Salamat kay Sultan Paramount Faizal Coyogan Cocoy Bansao. Mabuhay po kayo! Muli, sa pangalan ng mga Batangeno at sa Mayor ng Lipa. Maraming Salamat po sa Karangalan!” ani Gov. Vilma bilang pasasalamat.

Sa kabilang banda, sinabi ni Gov. Vilma sa mga nagmamahal sa kanya na labas na ang cover niya kasama ang mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto sa October issue ng Yes! magazine. Sa same month na nakatakdang ipalabas ang bago niyang movie mula sa Star Cinema na kasama sina Angel Locsin atXian Lim.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …