Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jadine, tinalo na ang Kimxi at Lizquen (Sa lakas ng hiyawan at dami ng fans)

092815 JADINE kathniel

00 SHOWBIZ ms mHALOS mabingi kami sa sobrang hiyawan ng sandamakmak na fans na nagtungo sa ANIMVERSARY ng It’s Showtime bilang pasasalamat at pagdiriwang sa anim na taon pagsuporta ng madlang people sa noontime show ng ABS-CBN.

Kakaibang hiyawan/sigawan ang aming nakita at narinig nang tawagin na ang mga nangunguna at maiinit na loveteam ng Kapamilya Network.

Dagdag pa rito ang kanya-kanyang gimmick ng fans na pinakamarami at organized ang KathNiel fans na may malaking letter streamer at kung ano-anong sign na nagpapakita ng pagsuporta sa kanilang hinahangaang loveteam. Ang loveteam din nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla rin ang may pinakamalakas na hiyawan.

Sumunod ang JaDine fans, nina James Reid at Nadine Lustre na talaga namang nakakikilig ang samahan. Ang napansin lang namin ay hindi na ganoon katindi ang hiyawan sa LizQuen loveteam (Liza Soberano at Enrique Gil) lalo na sa KimXi (Kim Chiu at Xian Lim) na ipinagtaka namin.

092815 Showtime

Kaunti lang kaya ang fans ng KimXi at LizQuen na nagtungo sa Araneta kaya hindi sila gaanong naramdaman?

Sa kabilang banda, kapansin-pansin ang sobrang sweetness ng KimXi nang mag-duet sila ng Mr Right na single ni Kim. Talagang parang may malalim nang nangyayari sa dalawa.

Nagpakilig din si Coco Martin nang awitin niya ang Panalangin kay Ms. Pastillas na halos maihi sa sobrang kakiligan.

Kahanga-hanga rin ang opening number ng mga host ng It’s Showtime na talagang buwis-buhay sa mga pasirko-sirkong ginawa nina Anne Curtis, Coleen Garcia, Karylle, at Vice Ganda. Hindi rin matatawaran ang ginawa nina Vhong Navarro at Billy Crawford na nagpaikot-ikot sa isang box.

Nakatutuwa rin ang mga ginawa ng iba pang host na sina Kuya Kim Atienza, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, at Eruption.

Sa kabuuan, magandang naihatid ng It’s Showtime ang kanilang show and congrats sa bumubuo nito.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …