Kung ilang taon nang ginagawa ni Bistek ang pagbibigay ng birthday lunch sa mga press na may kaarawan.
Napag-alaman naming mas gusto pa rin nitong maging ama o mayor pa rin ng Quezon City. “Kung maaari, gusto kong tapusin ang last term ko bilang mayor pa rin ng Quezon City,” anito nang tanungin kung anong posisyon ang tatakbuhan sa 2016 election.
Kasama pala siya sa posibleng pagpilian ng mga tatakbong senador ng Liberal Party. “Nagpapasalamat ako na ikinonsidera ako bilang senador pero kung ako masusunod, mas gusto ko pa ring mayor ng QC.”
Samantala, nilinaw ni Herbert na gagawin pa rin niya ang pelikulang pagsasamahan nila ni Kris Aquino na iniba na ang title.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio