IYAK ng kaligayahan ang nakita namin nang tanggapin niAlden Richards ang Gold Record Award para sa kanyang debut album na iniabot sa kanya ng Universal Records sa pamamagitan ni Ms. Kathleen Dy Go kahapon sa Eat Bulaga.
Hindi inaasahan ni Alden na after 2 years ay naka-Gold Record ang album kaya naman ganoon na lamang ang kanyang kasiyahan. Ini-release ito noong 2013 na naglalaman ng mga awiting Haplos, Naaalala Ka, Can’t Find The Reason, Di Na Mababawi, Sa Aking Tabi, Akin Ka Na Lang, at Everytime I See You.
Ang Wish I May naman ang pinakabago niyang single mula sa second album niya na ire-release ng GMA Records sa October.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
