Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

We’re here to enjoy what we do — Billy

092615 billy

00 SHOWBIZ ms m“WE’RE just here to enjoy what we do. Nag-e-enjoy lang talaga kami araw-araw,” giit ni Billy Crawford nang tanungin ito ukol sa kompetisyong nangyayari ngayon saEat Bulaga at It’s Showtime.

“Goal lang talaga namin is magpasaya ng tao, not anything else.

“Like I’ve said, mahirap talagang sumagot between the two programs.

“I think the perfect thing is, sana bago pag-usapan ‘yun, eh manood muna sila ng ‘Celebrity Playtime’  kasi sayang, eh,”giit pa ng actor na may bago na namang show sa ABS-CBN, ang Celebrity Playtime na mapapanood na ngayong gabi bago ang Home Sweetie Home.

Pangungunahan ni Billy ang programa na sasamahan niya sa pinaka-riot na happy hour sa telebisyon ang celebrity players sa kanilang paglalaro ng house party games at pagwawagi ng mga papremyo—sa ngalan ng kasayahan at harutan.

Ani Billy, hangad ng programang himukin ang mga manonood na makipag-bonding sa kanilang mga kaibigan at kapamilya sa pamamagitan ng nakaaaliw na games. Pinasubukan ito ni Billy sa ilang piling entertainment press at naka-e-excite nga ang game.

“Dahil nga uso na ang mga smartphone at social media ngayon, halos hindi na tayo nakikipag-usap sa isa’t isa. We want to encourage viewers to spend time, connect, and have fun with each other na harap-harapan,” ani Billy.

Kada linggo, dalawang teams ng celebrity players ang maglalaro ng tatlong house party games na may kinalaman sa popular culture. Matapos ang pangatlong game, ang team na may pinakamaraming puntos ang magwawagi at siyang may pagkakataong mag-uwi ng additional cash prize.

Hindi lang doon magtatapos ang saya, dahil ito ay isang road to three series. Ibig sabihin, ang unang team na magwawagi ng tatlong linggo ang hihiranging defending champion at siyang lalaban sa isang panibagong celebri-team.

Tampok sa unang linggo ang team nina Melai Cantiveros, Nyoy Volante, Edgar Allan Guzman, atKarla Estrada ng unang season ng  Your Face Sounds Familiar laban sa team ng Lucky Stars ng  Kapamilya Deal Or No Deal na sina Long Mejia, Dennis Padilla, Eric Nicolas, Epi Quizon sa kanilang pagtutuos na puno ng kalokohan at katatawanan.

Ukol naman sa usaping panggagaya, sinabi ni Billy na,”Everyone is entitled to what they think and what they want to say.

“’Di ako magkukuwestiyon. Wala naman ako sa kalingkingan nila.

“At ako, no matter what happens, Tito, Vic (Sotto) and Joey (de Leon), they are  pillars of this industry and, you know, nirerespeto ko sila.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …