Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pulis, jail official itinumba ng riding in tandem sa CAMANAVA (Sa loob ng 4 oras)

0925 FRONTPATAY ang isang pulis at jail official makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan at Navotas city kahapon.

Sabog ang ulo ng isang aktibong pulis na si SPO3 Rodrigo Antonio, nasa hustong gulang, residente sa Pangako St., Brgy. 149, Bagong Barrio ng nasabing lungsod, tinamaan ng bala ng kalibre .40 sa ulo at katawan makaraang pagbabarilin sa Caloocan City.

Iniutos ni Senior Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan City Police, ang manhunt operation sa mga suspek na mabilis na tumakas lulan ng motorsiklong hindi naplakahan.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 7:45 a.m. sa nabanggit na lugar.

Lulan ng kanyang motorsiklo ang pulis na biktima upang mag-report sa bago niyang assignment makaraang maibalik sa Caloocan Police mula sa Northern Police District.

Bahagyang naipit sa trapik ang minamanehong motorsiklo ni Antonio ngunit agad siyang nilapitan ng hindi nakilalang mga suspek at siya ay binaril sa ulo at katawan.

Batay sa kuha ng closed circuit television (CCTV) sa lugar, pagbagsak ng biktima ay muli siyang pinaputukan ng mga suspek.

May hinala ang mga awtoridad na may kinalaman sa trabaho ang motibo ng pagpaslang dahil marami anilang naaresto at naipakulong ang biktima habang nakatalaga sa Criminal Investigation and Detective Unit (CIDU) Northern Police District.

Samantala, patay rin ang isang 49-anyos deputy warden makaraang barilin ng hindi nakilalang hitman habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep kahapon ng umaga sa Navotas City.

Bumulagtang walang buhay ang biktimang si Jail Insp. Leo Jaucian, ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng Navotas City, at residente ng Quezon City, sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre. 45 sa batok na tumagos sa mukha.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa dalawang suspek na lulan ng motorsiklo, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ni PO3 Allan Joey Ogatia III, dakong 11 a.m. nang maganap ang insidente ilang metro ang layo sa Navotas Prosecutors Office sa M. Naval St., Brgy. Sipac Almacen ng nasabing lungsod.

Katatawid lamang ng biktima patungo sa sakayan ng jeep upang umuwi nang sundan siya ng suspek at agad siyang pinutukan.

Pagbagsak ng biktima ay pumarada ang isang motorsiklo na agad sinakyan ng suspek at mabilis na tumakas.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng mga salarin at kung may kaugnayan ito sa pagpapasabog ng granada sa tapat ng city jail limang buwan na ang nakalilipas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …