Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

TF ng Aldub sa isang telco, P100-M nga ba?

092215 yaya dub alden aldub

00 SHOWBIZ ms mMADE na made na talaga ang tambalang AlDub (Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza) dahil kahit ang mga gurong makikiisa sa PLDT Gabay Guro’s grand teacherfest na gagawin sa Mall of Asia Arena (MOA) sa September 27, ay sila rin ang inire-request.

Ilang taon nang nagbibigay kasiyahan ang PLDT Gabay Guro sa pamamagitan ng teacherfest na isang concert o masasabi na ngang variety show. Dinadaluhan ito kadalasan ng mga artistang libreng ibinibigay ang kanilang serbisyo para magpasaya ng mga guro. Bukod sa magandang show, mayroon pang mga naglalakihang pa-raffle.

Ayon kay Ms. Chaye Cabal-Revilla, Chairman of PLDT Gabay Guro program, under negotiation pa kung makapupunta ang Aldub. “Tsine-tsek pa ang availability ng AlDub. Most requested nga ang Aldub ng mga teacher. Hopefully makuha natin. They are still fixing the schedule although we got them to endorse TnT.”

Bukod sa Aldub, ang tiyak na magpapasaya rin sa mga guro ay ang isa rin sa mainit na loveteam ngayon, ang JaDine—James Reid at Nadine Lustre gayundin ang world-class talents na El Gamma Penumbra kasama pa sina Leo Valdez, Ima Castro at iba pa. “At siyempre, kasama pa rin ang taon-taon nating kasama sa advocacy na ito, ang Songbird Ms. Regine Velasquez, concert kings Martin Nievera, Gary Valenciano, av Basil Valdez, concert queens Kuh Ledesma at Pops Fernandez, among others.” Ito ay ididirehe ni Raul Mitra.

092215 gabay guro teacher fest

At dahil nabanggit na rin ni Ms. Chaye ang tungkol sa bagong endorsement ng Aldub, tinanong namin ito kung totoong umabot sa P100-M ang talent fee ng dalawa.

“Confidential pero alam ko. Ukol sa P100-M na TF ay hindi a, sobra naman ‘yun,” giit pa ni Ms. Chaye. “Sino may sabi. Hindi totoo ‘yun.”

Anyway, tiniyak pa ni Ms. Chaye na na maraming guro ang muling masisiyahan sa kanilang Teacherfest na sabi nga niya’y, “Its a variety show with a kurot in the puso kaya mas maraming guro ang tiyak na masisiyahan.”

This year, bukod sa mga ipara-raffle na cash prizes, cellphone at iba pa, mayroon ding pagkakataong magwagi ng livelihood packages, van, at dalawang house and lots ang mga gurong makikiisa sa event na tinaguriang embodiment ng “I Inspire” campaign, isang pagsaludo, isang pagdiriwang at isang renewal ng commitment ng Gabay Guro sa magandang propesyon ng pagtuturo sa pamamagitan ng trainings, scholarships, livelihood at life enhancing programs na talaga namang nakapagpapabago ng buhay.

Inaasahang dadalo ang may 20,000 mga guro na nagmula pa sa iba’t ibang school—public at private, at mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Libre po ang panonood at para malaman kung paano, magtungo lamang sa Facebook page ng Gabay Guro.

Kaakibat ng PLDT Gabay Guro sa adhikaing ito ang Amaia para sa ipamamahaging house and lot at ang Perry’s Group of Companies, Gratour Van mula sa Foton, tatlong motorcycles mula Honda, Suzuki and Ropali Corp., livelihood packages mula KaAsenso Cyberya, Sun and Talk N Text; cash prizes mula sa Pro Friends at PECCI, travel package mula sa First United Corp., at iba pa na nagmula naman sa Asian Secret, Bear Brand, Clover, Enchanted Kingdom, Ever Bilena, National Bookstore, Penshoppe, phCare, Red Planet Hotels, Samsung Business, Shakey’s, Toy Kingdom, among others. Phil Life, Our Lady of Lourdes Hospital, at Red Cross para sa on hand na whole day official event’s medics.

Ang PLDT Gabay Guro foundation ay ang education arm at flagship project ng PLDT-SMART Foundation, isang programa na pinatatakbo ng mga volunteer na kinabibilangan ng mga executive ng PLDT Manager’s Club Inc. (PLDT MCI). Layunin ng programang ito na magbigay ng scholarships, trainings, housing at educational facilities, livelihood programs, broadbanding at computerization, at Teachers’ Tribute.

Para sa ibang katanungan ukol sa PLDT Gabay Guro grand tribute event sa Sept. 27 sa MOA Arena, bisitahin ang Gabay Guro official website www.gabayguro.com, like the facebook page www.facebook.com/gabayguro follow them on twitter and Instagram at @PLDTGabayGuro.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …