TINIYAK naman ng President ng TAPE, Inc. na si Malou Choa-Fagar na ‘di dapat mag-alala si Aiza sa pagkakatanggal nito sa ASAP 20 dahil puwede itong bumalik sa Eat Bulaga anytime.
Napag-alaman naming bibigyan ang singer ng segment every Saturday. Ilalagay din daw si Aiza sa Sunday PinaSaya na produce rin ng TAPE, Inc.. Pero igniit ni Aiza na hindi muna siya lalabas sa show na katapat ng ASAP.
Idinagdag pa ni Aiza na puwede naman daw siyang bumalik sa ASAP 20 kapag natapos na ang seryeng Princess in the Palace.
Bukod kina Aiza at Ryzza Mae Dizon, kasama rin Princess in the Palace sina Eula Valdez, Boots Anson-Rodrigo, Kitkat, Dante Rivero, Ciara Sotto, Neil Perez, Ces Quesada, Rocky Salumbides at marami pang iba mula sa direksiyon ni Mike Tuviera.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
