Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shakey’s V League: Ateneo, UST sasalang sa do-or-die game

070615 shakeys v league
MAGHAHARAP ngayon ang Ateneo de Manila at University of Santo Tomas sa ikatlo at huling laro sa best-of-three semifinals ng Shakey’s V-League 12 Collegiate Conference sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.

Magsisimula ang laro sa alas-4 ng hapon kung saan tabla sa tig-isang panalo ang dalawang pamantasan sa serye.

Nanalo ang Lady Eagles, 27-25, 25-16, 25-17, sa Game 1 noong Sabado ngunit nakabawi ang Tigresses, 18-25, 25-16, 25-23, 25-22, sa Game 2 noong Linggo.

Pinutol ng UST ang sampung sunod na panalo ng Ateneo mula pa noong eliminations.

Noong nagkampeon ang Ateneo sa UAAP Season 77 ay walang nalasap na talo ang Lady Eagles.

Inaasahang pangungunahan ni UAAP MVP Alyssa Valdez ang Ateneo habang sina EJ Laure, Carmela Tunay at Pam Lastimosa naman ang babandera sa UST.

“Hindi naman kami invincible,” wika ni Valdez pagkatapos ng Game 2. “It’s really a wakeup call and a learning experience for the team. We are really hoping for the best on Wednesday, all out na but win or lose it’s the learning that we can get here is important. They (UST) really worked hard as a team, sa lahat ng aspect nag-work talaga sila, sobrang fluid nila. Sa amin naman may times na off kami hindi namin kontrolado ‘yun.”

Ang mananalo ngayon ay haharap sa National University sa best-of-three finals na magsisimula sa Linggo, Setyembre 20 at ang matatalo naman ay lalaban sa Far Eastern University para sa best-of-three na serye para sa ikatlong puwesto simula sa Sabado, Setyembre 19.

Naunang winalis ng Lady Bulldogs ang Lady Tamaraws sa kanilang hiwalay na serye sa semis.

Mapapanood ang mga laro ng Shakey’s V League sa GMA News TV Channel 11. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …