Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 patay, 1 sugatan sa taga at boga sa Lucena City

NAGA CITY – Patay ang dalawa habang isa ang sugatan sa nangyaring tagaan at pamamaril sa Purok Mutya, Brgy. Cotta, Lucena City kamakalawa.

Kinilala ang mga namatay na sina Norberto Custodio, 40, at Anaceto Aguda, 52, habang sugatan si Arthuro Custodio, 53-anyos.

Nabatid na pumunta sa nasabing lugar si Arthuro kasama ang kapatid na si Norberto para hanapin ang anak.

Naabutan ng dalawa ang suspek na si Aguda na umiinom, kung kaya naisipan ni Arthuro na tanungin kung nasaan ang kanyang anak.

Ngunit imbes na sumagot, biglang tumayo ang suspek at pinagtataga ang dalawa.

Agad nabunot ni Arthuro ang dala-dalang caliber .22 at pinagbabaril si Aguda sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Naisugod sa ospital ang tatlo ngunit dahil sa matinding tama sa katawan ay hindi na umabot nang buhay sina Norberto at Aguda.

Habang patuloy na nilalapatan ng lunas si Arthuro sa mga sugat sa balikat at noo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …