Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Resureksyon ng Regal at Reality, maghahasik na sa Sept. 23

091615 Resureksyon Isabelle paulo jasmine

00 SHOWBIZ ms mBASTA katatakutan, maaasahan ang Regal Films. Kaya namannakatitiyak ang mga manonood kung ang hanap ay katatakutan sa pinakabagong handog ng Regal atReality Entertainment, ang  Resureksyon na mapapanood na sa Setyembre 23.

Nakita at napanood naming ang trailer ng Resureksyon at tila bago ito sa mga karaniwang ginagawa na ng Regal dagdag pa na bago at batambata ang director nito, si lfonso “Borgy” Torre III. Hindi na naman baguhan si Direk Torre dahil siya rin ang nagdirehe ng Kabisera na nanalo siyang Best Director sa Cinema One Plus.

Ang  Resureksyon  ay hindi lamang katatakutan kundi kukurot sa mga puso ng manonood dahil ukol din ito sa pamilyang nagkawalay.

Magkapatid sa pelikula sina Isabelle Daza at Jasmine Curtis-Smith na maagang naulila. Kaya naman nagdesisyon si Isabelle na magtrabaho abroad bagamat ayaw ng kapatid na si Jasmine. Subalit sa halip na kasaganahan ang pagbabalik, bangkay nang bumalik sa kanilang probinsiya si Isabelle na ikinagitla ng lahat dahil bumangon ito mula sa pagkakahiga sa kabaong. Kaya pala nangyari iyon ay nakagat ng bampira si Isabelle sa bansang pinanggalingan.

Kaya sa Sept. 23 maghahasik ng bagsik ang mga bampira sa Resureksyon.

Kasama rin nina Isabelle at Jasmine sa Resureksyon sina Paulo Avelino, Raikko Mateo, John Lapus, Alex Castro,at Nino Muhlach.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …