Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake, itinangging inayang uminom si Enrique

091115 joseph marco jake cuenca ej falcon

00 SHOWBIZ ms mDAHIL sa mainit na pagtanggap ng publiko sa Pasion De Amor at pagwawagi sa national TV ratings, gayundin ang pananatili nito sa top 5 bilang weekdays program na pinakapinanonood sa bansa, magkakaroon ng Book 2 ang telenovela na nagtatampok kina Jake Cuenca, Arci Munoz, Ejay Falcon, Ellen Adarna, Joseph Marco, atColeen Garcia.

Kasabay nito ang pagpasok ng panibagong karakter nina Eduvina, Maryo, at Elle na gagampanan nina Pilar Pilapil, Pen Medina, at Kazel Kinouchi. Kasunod din ang paglabas ng babaeng puno’t dulo ng galit at paghihiganti nina Juan, Oscar, at Franco Samonte na magbabalik na.

Samantala, itinanggi naman ni Jake ang napabalitang inaya niya si Enrique Gil na uminom ng alak sa eroplano pabalik ng ‘Pinas nang mag-show ang buong ASAP stars kamakailan sa London.

“Explain ko ‘yan,” ani Jake nang tanungin ito sa presscon,”nabasa ko ‘yan kaninang umaga lang, eh, madaling-araw lumabas ‘yan and sa totoo lang, nagulat ako. Kasi talagang hindi ako involved sa issue.

“In fact, natawa ako kasi parang noong umaga lang, grabe, natuwa ako kasi parang binigyan ako ng best in behavior award ng handler (Allan Real) ko, ‘wow ha, behaved ka sa London, nagbago ka na, Jake, mature ka na’ sabi niya. ‘Oo naman, kuya, ako pa ba?’ Sabi ko, iba na ako ngayon, ganyan,” paglalahad ni Jake.

Kaya naman daw nagulat siya nang mabasa ang ukol sa insidenteng ito.  ”Alam n’yo naman po, maraming beses na akong na-involve sa ganyang klaseng issues, pero malinis po talaga konsensiya ko, hindi po talaga ako involved.

“And if for anything po, gusto ko lang pong sabihin na ako po ngayon, proud akong sabihin na, hindi ko kayang sabihing nagbagong-buhay ako, pero proud akong sabihin na dahil siguro sa girlfriend ko, marami akong habits na natanggal. Marami akong parang old habits na natanggal and I can really say na will all the maturity, parang masayang-masaya po ako ngayon.

“So, nagulat ako sa issue, but I can’t blame them for involving me because that’s always the case,” giit pa ng aktor kahapon sa presscon ng Pasion De Amor.

Na-involve ang pangalan ni Jake dahil nga sa balitang isa siya sa nag-aya kay Enrique para uminom kaya nalasing daw ito. Kaya ang siste, nangulit ito kay Jessy Mendiola. Naroong hinahampas-hampas daw nito ang aktres na medyo napalakas kaya nagalit ito. Rito na raw umawat siLuis Manzano at nagkainitan. Umawat na rin daw ang ka-loveteam na si Liza Soberano pero minura-mura umano ito ng lalaki kaya nasampal ni young actress.

Ani Jake, hindi raw siya makakapagsalita for anyone dahil hindi nga siya ang involved. ”Hindi rin po ako spokesperson ng kahit na sino. ‘Yun po.”

Habang isinusulat namin ito’y hinihintay namin ang reaction na manggagaling mula sa mga taong involve gayundin sa Star Magic. Pero wala pa kaming natatanggap.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …