Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Customs Comm. Bert Lina: Against All Odds

00 rex target logoSA KABILA ng mabuting hangaring masugpo at ganap na matuldukan ang talamak na smuggling activities diyan sa Bureau of Customs, umani ng batikos si Customs Commissioner Bert Lina  sa planong isailalim sa random inspections ang Balikbayan boxes ng overseas Filipino workers (OFWs).

Naging ‘very unpopular’ ang hakbang na ito ni Lina sa OFWs at sa nakararaming Filipino na sa tingin ng marami ay ‘di pagrespeto sa mga tinaguriang bagong bayani ng henerasyong Pinoy.

Malaki ang naiaambag na tulong sa bansa ng ‘remittances’ ng ating kababayang OFWs at malaking bahagi nito ang bumubuhay sa ekonomiya at pananalapi ng bansa.

Timing pa na nalalapit na ang Kapaskuhan na bulto ng mga padalang bagahe at remittances ng OFWs ang inaasahan.

Ngunit tama at may  punto rin si Commissioner Lina dahil nagagamit nga ng mga sindikato at iba pang masasamang loob ang Balikbayan boxes privilege at nakapagpapapasok sa bansa ng highly taxable goods gaya ng high-end watches, gadgets, alahas, perfume at kung ano-ano pa on a commercial quantity.

Pero sa kabila ng malinis at tapat na hangarin ni Lina na sugpuin ang smuggling sa bansa, nag-utos ang Pangulong Benigno Simeon Aquino III na itigil ang pagbubukas ng mga papasok na Balikbayan boxes upang pakalmahin ang nag-aapoy na sentimiyento ng OFWs at mga pamilya nila.

Hindi akma sa panahon ang aksiyon ni Lina dahil nalalapit na ang eleksiyon at makaaapekto sa pambato ng administrasyon na si Mar Roxas ng Liberal Party (LP).

Magiging negatibong isyu ito hindi lamang sa OFWs kundi sa milyong mga mahal sa buhay na naririto sa bansa.

Nagkaroon na lamang ng ‘compromise’ ang inisyatibong ito ni Lina patungkol sa Balikbayan boxes.

Idadaan na lamang sa compulsory x-ray procedure pero lumutang naman ang problema sa kakulangan ng mga high tech x-ray machines ganoon din ang kawalan ng sapat na bilang ng K-9 snipping dogs na kailangan sa pag-detect ng mga papasok na kontrabando.

Ngayon, bubuksan na lamang ang Balikbayan boxes kung mapapatunayang high risk o hot items makaraang sumailalim sa x-ray at iba pang proseso sa BOC.

Pero sa kabila nito, tuloy ang plano ng grupong Migrante at iba pang caused oriented groups na ituloy ang serye ng mga planong protesta at ang NO REMITTANCE DAY ng mga manggagawa mula sa abroad.

Sa kabila nang malawakang panawagan para sa pagre-resign ni Lina sa Customs, buo pa rin ang kompiyansa at tiwala ni Aquino kay Lina.

Batid niya marahil na hindi biro ang mga isinakripisyo ng mamang si Lina para linisin ang Bureau of Customs.

Minsan talaga, mahirap ipatupad ang tama at wasto dahil marami ang siguradong maaapektohan.

Gaya rin ng pagtatama sa nakaugaliang maling sistema na it will take time for everybody to accept and be accustomed to.

Marami na kasing Pinoy ang kinain ng maling sistema at umiiral na sa maraming dekada lalo na riyan sa Aduana na naging talamak ang korupsiyon.

For Commissioner Lina and company, hindi lamang matataas na bundok at mababatong ilog ang dapat akyatin at tawirin bago ganap na maayos ang mga bagay-bagay sa BoC ,kakailanganin din na magpagulong ng mga ulong matitigas at mukhang makakapal para ganap na pairalin ang rule of law sa nasabing kagawaran.

Marami sa mga bossing ni Lina sa gobyerno ang nakasawsaw sa talamak na korupsiyon sa bureau at kung paano ito ia-address ng ating idol na si Boss Bert Lina ay hindi natin kayang sabihin at isipin.

Again as we have said before, it takes a man of steel to do the job!

It takes a SUPERMAN to reform BOC. It takes a Bert Lina to do the impossible job against all odds. 

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 pm. Mag email sa [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rex Cayanong

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …