Sunday , December 22 2024

Roxas inilampaso si Binay

mar binayNILAMPASAN ng personal na pambato ni Pangulong Noynoy Aquino na si Mar Roxas si Vice President Jejomar Binay sa pinakabagong survey na pinalakad ng Liberal Party.

Sinabi ni Caloocan Congressman Edgar “Egay” Erice na nagkomisyon ng isang survey ang LP para makita ang katayuan ni Roxas kung si Binay lamang ang kalaban sa pagkapangulo sa 2016.  

Lumabas sa survey na mula sa 1,200 respondents, 53 porsiyento ang boboto kay Roxas laban sa 37 porsyento lamang ni Binay. Nang tanungin kung bakit dalawa lamang ang pangalan na isinama sa nasabing survey, sinabi ni Erice na dalawa palang naman ang nagdeklara ng kanilang kandidatura.  

Nang tanungin si Erice ng kanyang opinion kung bakit naungusan na ni Roxas si Binay, sinabi niyang: “Lumalabas ngayon na mayroong significant influence ‘yung endorsement ni Pangulong Aquino.” 

Pinasinungalingan ng survey  ang  opinyon ng ilang political analyst na minaliit ang lakas ng endorsement ni PNoy at sinabing mahina raw ang kakayahan na impluwensiyahan ang mga mamamayan dahil pababa na sa puwesto. 

Hindi man niya inamin ang mismong pagganap sa survey dahil sa confidentiality agreement, nagpasalamat si Roxas sa taumbayan dahil sa patuloy nilang suporta. 

“Pasasalamat na lang kung totoo, tinatanggap ko ito hindi para sa akin,” sabi ni Roxas nang maabutan ng mga reporter sa pagpupulong ng Liga ng Mga Barangay Mindanao chapter. 

 Ipinagtanggol ng isa pang haligi ng LP na si Senate President Frankling Drilon ang survey at sinabing hindi ito maniobra lamang.

About jsy publishing

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *