Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael Pangilinan, patuloy na dinadagsa ng blessings!

020515 michael p

00 Alam mo na NoniePATULOY sa paghataw ang career ni Michael Pangilinan. Bukod sa galing niya bilang singer, ganap na actor na rin ang telented na alaga ni katotong Jobert Sucaldito.

Si Michael ang lead star sa stage musical mula Gantimpala Theater Foundation na pinamagatang Kanser. Bukod sa teatro, pati pelikula ay pinasok na rin niya. Unang sabak niya rito ay bida na agad ang singer/actor sa movie na Pare Mahal Mo Raw Ako. Hango ito sa entry sa Himig Handog P-Pop Love Songs na si Michael din ang nag-interpret at komposisyon ni Joven Tan. Siya rin ang nagdirek ng movie version nito na tinatampukan din ni Edgar Allan Guzman.

Ngayong isa si Michael sa eight celebrity contestants ng Your Face Sounds Familiar na magsisimula na ang airing sa Sept. 12, talagang dinadagsa ng blessings ang mabait na binata.

Binansagan dito si Michael bilang Harana Prince at makakasama niya sa YFSF sina KZ Tandingan (Soul Supreme), Kean Cipriano (Rebel Rock Royalty), Myrtle Sarrosa (The Playful Angel), Erik Nicolas (Ang Komikero ng Masa), Kakai Bautista (The Dental Diva), Denise Laurel (The Sultry Heiress), at Sam Concepcion (The Absolute Performer).

Labis nga ang pasasalamat ni Michael sa pagkakataong ibinigay sa kanya.

“Nang sinabi sa akin na pasok daw ako, hindi ko na alam kung ano yung magiging feeling ko. Kaya siyempre, nagpasalamat ako kay God sa mga blessing na ito.”

Aminado rin siyang matinding pressure ang nararamdaman nilang walo dahil sobrang successful ang naunang season ng YFSF.

Good luck sa iyo Michael!

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …