Usually, tumatagal ng isang season o 4 months ang isang teleserye pero posible itong tumagal o humaba depende sa ganda ng istorya at pagtanggap ng televiewers.
Sa pilot episode ng All of Me noong Lunes, na-impress kami agad sa takbo ng istorya. Kahit naman sa teaser pa lamang na una naming nakita ito, nagandahan na agad kami. At base sa mga nakapanood ng isang buong linggong episode nito, sinasabi nilang maganda ang istorya at magagaling ang mga artistang nagsisiganap.
Hindi naman kuwestiyon ang galing ng mga bida dahil talaga namang hindi matatawaran ang kanilang galing. Subalit tila nagkaroon daw ng internal problem sa isang bida ng naturang afternoon soap kaya nagkaroon ng balitang tatapusin agad ito. Ang unang natanggap naming tsika ay tatagal lamang ito ng pitong lingo o 1 ½ months lang. Pero may nagsabi namang 16 to 20 weeks daw tatagal so ibig sabihin matatapos ang isang season.
Pero, itinanggi naman ang balitang tatapusin agad ang All of Me. Sana nga dahil maganda talaga ang istorya. Sa dalawang araw pa lang naming pagtutok dito’y nakaiintriga ang mga susunod na mangyayari lalo’t naipakita na ang mga karakter nina Albert, Yeng, at JM.
Masarap pang sundan ang buhay ni Manuel (Albert), isang doktor na iniwan ang masiglang karera at nanirahan sa isang isla matapos mamatay ang asawang si Ina Raymundo. Sa isla niya nakita si Lena (Yen), isang dalagang muling nagbigay kulay sa kanyang buhay na mauuwi sa matamis na pag-iibigan.
Ang All of Me ay idinirehe ni Dondon Santos na nagta-tampok din kina Angel Aquino,Neri Naig, Ana Capri, Micah Munoz, Jordan Herrera, Sue Ann Ramirez, at Akira Morishita.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio