Wednesday , December 25 2024

Idolito Dela Cruz, dating gumagaya kay April Boy, ngayo’y may sariling album na

090115 Idolito Dela Cruz

00 SHOWBIZ ms mTIYAK na kilala ng fans ni April Boy Regino si Idolito Dela Cruz dahil siya lang naman ang naging champion sa singing contest ng magaling na singer sa Sang Linggo nAPO Sila gayundin sa Eat Bulaga. Medyo natagalan nga lamang ang pagbabalik-recording niya dahil inuna muna niya ang pag-aaral.

“Napakabata ko pa noong sumali ako sa singing contest na iyon ni April Boy. Gustuhin ko mang ituloy-tuloy ang pagkanta, hindi puwede dahil namatay ang magulang ko at kailangan kong tapusin ang pag-aaral ko. Pero talaga yatang kapag hilig moa ng pagkanta, babalik at babalikan ka roon. Kaya heto ako, kahit natagalan eh, itutuloy-tuloy ko na,” sambit sa amin ni Idolito sa album launching kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan kamakailan.

Ang album ni Idolito, ang Ngayong Nandito Ka Na… Idolito Dela Cruz ay naglalaman ng limang original songs tulad ng Ngayong Nandito Ka Na Lumaban Ka, All The Time, Itaga Mo sa Bato, at Mundo Ay nagbago. Ito ay prodyus and distributed ng DB Energy Music Co..

Ani Idolito, mahilig din siyang mag-compose ng mga kanta. Katunayan almost 300 songs na ang mga kantang naisusulat niya. Kaya naman malapit na ring mabuo ang 2nd album na kapapalooban din ng mga revival song.

Mina-manage ngayon si Idolito nina Benjie Pe  Benito atDennis  Dela Cruz

Kilala ang pamilya ni Idolito sa Pampanga na idol ng mga kababayan nila.

“Actually, hindi naman talaga ako ang iniidolo ng mga taga- Pampanga kundi yung erpat ko (29 years na Lupon sa Barangay nila pero parang buong Pampanga ang nangyari). Para siyang Robinhood. Sobra ‘yung pagtulong niya at ako ‘yung sidekick. Tapos tinatawag akong idol. Ako ‘yung laging inuutusan ni daddy at the same time lagi akong sumasali sa mga contest. Laging champion.

“’Yung time na ‘yun kasi nagpa-contest ang ‘Sang Linggo NAPO Sila; para sa kanta ni April Boy Regino, nanalo ako. Ang ‘Eat Bulaga’ nagpa-contest din sina Vingo at Jimmy (April Boys), nag-champion din ako,” kuwento pa ni Idolito.

“Bata pa ako mahilig na ako music. Lahat ng brothers and sisters ko kumakanta. Sobra rin ang influence ng parents ko sa pagkanta ko,” bulalas pa ni Idolito. Pero sa family nila, siya lang ‘yung nagseryoso dahil passion niya ang pagkanta samantalang ang mga kapatid niya ay nakahiligan lang.

Lahat ng klase ng musika ay kaya raw niyang kantahin. May sarili rin daw siyang style sa pag-awit dahil kanta ngAir Supply ang binabanatan niya noong araw.

Tumigil lamang kumanta si Idolito noong 2009 dahil namatay ang parents niya. Parang nawala raw lahat ang mga pinaghuhugutan niya at inspirasyon.

Pero ngayon ay aktibo na muli sa music si Idolito dahil naggi-gig siya sa Pampanga at nadiskubre siya nina Benjie at Dennis noong mag-record siya ng kanta para sa themesong ng indie movie na Mga Batang Hamog Doon siya nadiskubreng gumawa ng album dahil may potensiyal daw ito na maging recording artist.

Fulfillment para kay Idolito na magkaroon ng sariling album at inaasahan niyang mabibigyan siya ng pagkakataong maipakita ang galing sa musika.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *